Sponsored Links
Home Entertainment Netizens Nabigla ng Sabihan ni Chito ng “Tigas ng Ulo” si Angel...

Netizens Nabigla ng Sabihan ni Chito ng “Tigas ng Ulo” si Angel Locsin

114410
Sponsored Links

Kilala naman natin si Angel Locsin na hataw sa pagganap sa kanyang mga roles bilang artista. Kamakailan lamang maraming netizen ang nagkomento at nagreact sa post ni Angel Locsin sa kanyang Instagram account. Kabilang na sa nag-komento dito ay ang vocalist ng bandang Parokya ni Edgar na si Chito Miranda.

imahe mula kay angel | ig

Sino nga naman ang hindi magugulat at mag-react sa mga post ni Angel Locsin sa kanyang Instagram, kung natatandaan ninyo kamakailan lamang ay nag sumabit ito sa likod ng tumatakbong truck at nagpaikot-ikot pa ito. At ngayon naman ay ang isang scene sa papalapit na pagtatapos ng kanyang action-series na “The Generals Daugther” kung saan nag-patihulog ito sa dagat ng pabaliktad.

imahe mula sa Kapamilya Online World

Marami nga napabilib sa mga stunts na ginagawa ng dating Darna at marami din naman ang nag-alala dito dahil nga may damaged ang spine nito, dahilan kung saan pansamantalang nagpahinga ito sa showbiz at hindi natuloy ang pagganap bilang Darna.

 

View this post on Instagram

 

Thank you for the trust @dreamscapeph Sir @montie08 🙏🏻 Last 6 days… #TGDMahuli

A post shared by Angel Locsin (@therealangellocsin) on

Narito ang komento ni Chito Miranda sa nasabing behind-the-scene IG post ni Miss Angel Locsin.
“Sira ka talaga! Todo hataw pa yung pag-flip eh ingatan mo nga sarili mo! Lalo na yung likod mo! Tigas ng ulo… pero kahit ano sabihin ko astig ka pa rin talaga.” Sagot naman ng dalaga “Kaya prends tayo eh”.

Wala naman masamang ibig sabihin itong si Chito Miranda, nagpapahayag lamang ito ng concern sa dalaga dahil alam naman nating matagal na silang mag-kaibigan. Marami din sa kasamahan niya sa industriya ang nagpahayag ng paghanga, narito ang ilan sa kanila.

Sa nga ngayon viral na nasabing behind-the-scene action video ni Miss Angel Locsin at mayroon na itong mahigit isang milyong views.

Sponsored Links

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here