Sponsored Links
Home News Pinay OFW Binigyan Parangal Matapos Mag-sauli ng Malaking Halaga

Pinay OFW Binigyan Parangal Matapos Mag-sauli ng Malaking Halaga

356
Sponsored Links

Dubai – Si Mae Anne Olmidillo ay isang Pinay OFW na nagtratrabaho sa Dubai bilang barista sa isang sikat na kapehan. Ayon sa instagram post ng Dubai Police si Olmidillo ay nakapulot ng malaking halaga na aabot sa higit kumulang sampung milyong piso.

imahe mula sa dubai police ig

Base sa Instagram post ng Dubai police, Heto ang mga halaga at kagamitan na isinauli ng Pinay. Ang isang bag na natagpuan ay naglalaman ng Dh195,000 o P2.75 million sa pera natin. Dagdag pa dyan may nakita ding mga cheque na may halagang Dh500,000 o P7 million at Dh6,250 o P88,000.

imahe mula sa dubai police ig

Kaya naman dahil sa kagandahang loob ng ating baristang kababayan na si Mae Anne Olmidillo, agad na nagtungo ang ilang kapulisan sa nasabing bansa upang bigyan sya ng plake ng pagkilala.

imahe mula sa dubai police ig

Ayon naman sa pahayag ng ating kababayan:

“When I found the money, hindi po ako nagdalawang isip na ibalik yung pera sa nagma-may-ari. Hindi po akin yun at alam kong may return si God para sa akin. Maraming salamat po,” sabi pa ni Olmidillo.

imahe mula sa dubai police ig

Nawa’y marami pang katulad mo sa buong mundo, ikaw ay nagsilbing inspirasyon para sa lahat ng Filipino. Iniangat mo ang ating lahi sa ibang bansa, tunay ka na isang tunay na buhay na bayani.

Sponsored Links

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here