Sponsored Links
Home Public Info PWD at Senior Citizen Libre ang Sakay sa Isang Pampasaherong Jeep sa...

PWD at Senior Citizen Libre ang Sakay sa Isang Pampasaherong Jeep sa Marikina

1129
Sponsored Links

Kamakailan lamang ay nag-post isang netizen na si Nam Alarcon De Laguna sa social media na Marikina News Facebook group patungkol sa kanyang nasakyang pampasaherong Jeep. Ang nasabing post ay agad nag-viral at umanin ng iba’t ibang reaksyon at komento.

imahe mula kay Nam Alarcon De Laguna|Facebook

Ayon kay Nam Alarcon De Laguna na may nasakyan syang jeep sa Marikina kung saan may nakapaskil na karatula at nagsasabing sa mga sasakay ay libre ang pamasahe ng senior citizens at persons with disabilities (PWD).

Nakasaad sa karatula:
“Wala pong bayad ang mga senior/PWD,”

imahe mula kay Nam Alarcon De Laguna|Facebook

Agad naman umani ng magandang papuri at komento ang nasabing jeeney driver, dahil nga naman sa panahon ngayon bihira kana makakakita ng isang nagmamalasakit sa kapwa. Kung ating titingnan hindi naman ganoon kalakihan ang kinikita ng isang jeepney driver ngunit nagawa pa rin nitong magbigay tulong kahit sa munting pamamaraan.

Heto ang ilang komento ng mga netizen;
“Lagi ko po nasasakyan yan papunta lrt,,tuwang tuwa mga s.c.at pwd kc wala talaga clang bayad,,subra bait ni kuya,,kaya patuloy ang pag gabay sa kanya ng ,PUONG MAYKAPAL,,”

“Lagi ko itong nasasakyan
From bayan to katipunan.
Tas katipunan to byan..
Minsan my mga nanay..nah namimilit na mag bayad ayaw nya talagang tanggapin.”

“Malaking tulong yan para sa mga matatanda….sna bigyan nang incentibo ng gobyerno ng marikina kagaya nyo.kc alm din natin n kahit mahal ang gasolina.nagawa nyo parin tumulong sa matatanda.”

“Saludo ako manong…nakakasama lng ng loob dahil minsan sa gandang pinapakita ng isang mamang tsuper nanganganib mawalan na sya ng hanap buhay dahil sa kagustuhan ng mga makasariling individual upang isulong ang jeepney phaseout or modernization kung saan ang mga capitalista lamang ang makikinabang..”

imahe mula kay Nam Alarcon De Laguna|Facebook

Sana mag-silbing inspirasyon ito sa iba at tularan ng karamihan, Kung sinuman ang driver na ito mabuhay ka kuya. Saludo kami sa iyong kabutihan.

source:Nam Alarcon De Laguna|Facebook

Sponsored Links

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here