Sponsored Links

Sa kabila ng maraming masasama, at negatibong naidulot ang pandemya, may mga mabubuting bagay din naman na nagawa ang mga tao dahil sa limitado ang paglabas ng bahay at pagpunta sa ibang lugar.

credit to raj bay

Hindi maikakaila na marami sa atin ang labis na nabagot at nalungkot dahil ipinagbabawal na ang mga pagtitipon, ang pagbibyahe at pag-gala ay limitado na rin dahil sa peligro sa paligid. Marami din ang nawalan ng hanapbuhay at trabaho.

credit to raj bay

Subalit, may mga tao naman na ipinagpapasalamat pa rin ang pangyayari dahil ito ay nagbigay sa kanila ng panibagong pananaw sa buhay, panibagong libangan, at panibagong kapaligiran at pati na rin anyo ng bahay.

Ang netizen na si Raj Bay ay ibinahagi kung paano nila ginawang pool area ang kanilang roof deck. Halos 15 taon din umanong nagsilbing sampayan ng mga labahan ang kanilang roof deck, subalit ng dahil sa pagkabagot at pagka-miss sa kanyang paboritong pasyalan ay naisipan nitong naging pool area na lamang ang lugar.

Ang rood deck ng kanilang bahay ay ginawa ni Raj Bay na magmukhang Oasis Bali upang kahit pandemya at hindi sya makapag byahe ay hindi sya malulungkot dahil dahil iisipin nyang nakapunta na rin sya sa isang Oasis Bali kahit nasa loob lamang sya ng kanilang bahay.

credit to raj bay

Makikita sa mga larawan na napakaganda ng pagkagawa ng pool area na hindi mo akalain na ito ay nasa roof deck ng isang bahay. Gumawa ng isang pool installed pool sa isang sulok na gawa sa kahoy ang kanyang decking upang may makapitan ang artificial na pool. Ito ay napapaligiran ng ilang halaman kagaya ng mga palm trees, at ilan pang mga indoor green plants.

credit to raj bay

Bukod pa rito, mayroon ding pahingahan na mukhang maliit na sala. Doon inilagay ni Raj ang lumang tent na halos 5-taon na umanong hindi nagagamit ng kanilang pamilya. Umorder pa umano si Raj ng mga bilog na unan at mga printed na tela upang makadagdag sa kagandahan ng kanilang mala-Oasis Bali pool area.

credit to raj bay

Kumpleto talaga ang kanilang pag-eenjoy dahil gumawa din sila ng mini-kusina kung saan maaring magluto ng pagkain habang nag eenjoy ang pamilya sa pool at bagong tambayan sa kanilang roof deck.

credit to raj bay

Ayon kay Raj, umabot ng mahigit P50,000.00 lamang umano ang kanilang kabuuang nagastos sa kanilang Oasis Bali-inspired na roof deck pool area. Ligtas na sila na manatili sa loob ng kanilang tahanan habang naeenjoy ang summer.

Sponsored Links

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here