Home News Viral Silipin ang Bahay na Gawa sa Pinagtagpi-tagping Yero, Ngunit may Napakagarang Interior Design

Silipin ang Bahay na Gawa sa Pinagtagpi-tagping Yero, Ngunit may Napakagarang Interior Design

0
Silipin ang Bahay na Gawa sa Pinagtagpi-tagping Yero, Ngunit may Napakagarang Interior Design
Sponsored Links

Halos lahat naman ng tao nangangarap na magkaroon ng sariling bahay na komportableng matitirhan. Kahit simple pero masasabi mong sarili mong pag-aari at pinaghirapang bilhin o ipatayo.

Magiging proud ka kaya kung ikaw ang nag mamay-ari ng bahay na mukhang isang warehouse na yari sa mga lumang yero na pinagtagpi-tagpi? Subalit, mabibigla at mamamangha ka sa itsura nito sa loob.

Image credit to Home Design Pictures | Facebook

Sinadya nga talaga siguro ng may-ari ng bahay na gamitan ng mga yero ang kanyang bahay dahil hindi mo naman masasabi na kinulang sa budget ang may-ari na nagpagawa nito dahil makikita mo sa mga larawan na napakaganda ang loob ng bahay na pwedeng maikukumpara sa mga modernong disenyo ng mga magagandang tirahan ngayon.

Image credit to Home Design Pictures | Facebook

Ang mga larawan ng bahay ay naipost ng Archdaily sa kanilang home design pictures Facebook page. Ang interior ng dalawang palapag na bahay ay may puting pintura at may glass na mga bintana. Mapapansin ang dalawang malalaking bintana sa ikalawang palapag nito. Maganda din ang mga furniture at ilaw sa loob. Modern minimalist ang motif ng bahay kung kaya’t classy ang dating nito at napakaaliwalas tingnan.

Image credit to Home Design Pictures | Facebook

Ayon umano sa may-ari na nagrequest sa architect na gumawa ng disenyo ng bahay, nais daw nitong maging simple lang ang bahay para hindi masyadong takaw pansin sa mga magnanakaw at mga mangungutang nito.

Image credit to Home Design Pictures | Facebook

Maaring toto man o hindi ang kwento sa likod ng disenyo ng bahay, ang importante ay maganda itong tirhan sa loob sa kabila ng hindi kanais nais nitong panlabas na anyo.

Ang bahay ay nakatayo sa corner lot kung saan natatakpan nito ang ilang mga magagandang bahay sa kanyang likuran. Maaring hindi ito naisin ng mga kapitbahay, subalit kung pipinturahan naman ang mga yero ay magiging maganda nadin ang panglabas na itsura nito.

https://www.facebook.com/HomeDecorsIdea/posts/2381946822105360

Alin kaya ang iyong pipiliin, ang may magarang panlabas na anyo ng bahay subalit hindi maganda sa loob, o di naman kaya ay hindi kaaya-aya sa loob subalit napakaganda sa loob, kagaya ng mga nasa larawan na nabanggit?

Sponsored Links

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here