Sponsored Links

Sa bawat pagsakay at pag-commute mo sa jeep, maraming kwento ang iyong maririnig. May mga kwento na nakakatawa, nakakalungkot, nakaka-inis, at mayroon din namang nakaka-antig ng damdamin. Maraming eksena ang makikita mo araw-araw sa loob ng jeep.

Kamakailan lang ay naging viral ang isang eksena at usapan sa loob ng isang jeep, at ito ay ibinahagi ng isang guro na nakasaksi at nakarinig sap ag-uusap ng isang ama at ng kanyang anak.

Anak: Pa, wag mo na akong ihatid hanggang sa loob ng school, magtinda ka na lang para maka benta ka ng marami.

Tatay: Hindi pwede nak. May mga nangunguha ng bata ngayon. Sige ka, magkakaroon ka ng ibang tatay.

Anak: Sige tay, hatid muna ako. Pagkatapos ko sa school, tulungan kita magtinda ha. Sana maubos lahat para marami tayong pera.

Tatay: Mag-aral ka mabuti nak ha.

Hindi man sinasadyang making ng gurong si Geli Lagrimas, ngunit dahil nasa harapan nya lang ang mag-ama ay narinig nya ang kanilang pag-uusap.

Lingid sa kanilang kaalaman ay ibinahagi ito ni Geli sa Facebook at umani ng napakaraming reactions, shares at comments. Marami ang nagpaabot ng tulong para sa mag-ama.

Sa kabila ng hirap ng buhay, sa simpleng trabaho ni tatay Crisanto Colo bilang isang takatak vendor, hindi nito binabalewala ang kahalagahan ng edukasyon ng mga anak. Kaya naman, bumilib si Geli sa kanyang narinig kay tatay Crisanto na nagbibilin sa anak na mag-aral ng mabuti.

Ayon sa panayam ng Mission Possible, hindi umano akalain ng pamilya ni tatay Crisanto na magiging ganun ang resulta ng kanilang simpleng usapan ng anak.

Nagpapasalamat naman ang kanyang asawa sa Panginoon dahil kung hindi sa kanya ay hindi rin matutunton ng Geli ang kanilang tahanan at hindi maaantig ang damdamin ng mga tao na tumulong.

Napag-alaman din na marami pang anak si tatay Crisanto, ngunit dahil sa kanilang pagsisikap ay unti-unti silang nakaipon ng pera upang makalipat sa sariling bahay at makaalis sa bangketa.

Sponsored Links

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here