Sponsored Links

Isa talagang “blessing in disguise” ika nga, dahil pagkatapos na magasgasan ang sasakyan ng isang matandang lalaki na sa halip ay magalit ay binigyan pa ng sorpresa ang nakabangga sa kanyang sasakyan.

Hindi biro ang makipagsabayan sa gitna ng kalsada lalo na kapag bisikleta ang iyong dala. Ngunit dahil sa isang insidente na nangyari umano sa Turkey na ibinagi ni Redditor @schefar, napaiyak ang bata na nakabangga sa sasakyan ng isang lalake.

Sa halip na pagalitan at pagbayarin sya sa sir ana naidulot nito sa sasakyan, binalikan umano sya ng matanda upang sorpresahin ng bagong bisikleta.

Napag-alaman ng matandang nagmamaneho ng sasakyan na lumang-luma na umano ang bisikleta ng bata at hindi na gumagana ang preno nito kaya nito nabangga ang kanyang sasakyan ng hindi sinasadya.

Napag-isipan na umano ng matandang lalaki na hindi na pagbayarin ang bata dahil alam nyang walang kakayanan ang pamilya ng bata upang bayaran ang nasirang bahagi ng sasakyan dahil hindi nga rin umano nila kayang bilhan ng bagong bisikleta ang bata.

Reddit | schefar

 

Talaga namang nakakamangha ang kabutihan at kabaitan ng lalaki para sa bata. Siyan a ang naperwisyo at naabala ngunit sya pa rin ang nagbukas ng puso na makatulong sa batang lalaki na nakabangga sa kanyang sasakyan.

Marahil ay takot na takot ang bata noong Nakita nitong binalikan sya ng matanda ngunit mas lalo itong napaiyak dahil sa napakagandang regalo at sorpresa na kanyang natanggap.

Samantala, naisip ng matanda ang kapakanan ng bata dahil maari umanong maulit ang insidente kapag hindi napalitan ang bisikleta ng bata. Batid nya na ito ay napaka delikado.

Mas mainam pa rin ang pag-iingat lalong-lalo na sa kalsada. Hindi biro ang makipag sabayan sa mga malalaking sasakyan lalo na kapag nasa rush-hour.

Pinatunayan lang ng matanda na isa syang mabuting huwaran sa mga bata lalo na sa batang nakabangga sa kanyang sasakyan.

Sponsored Links

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here