Sponsored Links

Ang mga nanay ang isa sa mga taong hindi na iniisip ang sarili para lang mabuhay ang mga anak. Nasubok ang kakayanan ng isang ina dahil sa krisis na dumating dulot ng COVID-19.

Dahil nahiwalay sa kanyang asawa noong lockdown, si Joan Divina ay napilitang maghanap ng trabaho upang tustusan ang pang araw-araw na pangangailangan ng kanyang mga anak.

Si Joan ay isang fruit vendor at ang kanyang asawang si Sherwin Lacao ay isang construction worker. Labing-apat na taon na silang magkasama subalit dahil sa COVID-19, natigil ang ang kanyang pagtitinda ng mga prutas at ang asawa ay hindi nakauwi sa kanilang lugar dahil naabutan ng lockdown.

Naiwan c Joan sa kanyang mga anak at palaki ng palaki ang utang dahil wala itong mapagkuhanan ng pera.

Dahil sa programang ‘Wish ko lang’, natulungan ang pamilya ni Joan, at itinampok ang kanilang kwento na talaga namang mapapabilib ka sa pagmamahal at diskarte ng isang ina.

Dahil napag alaman umano ni Joan na mayroong naghahanap ng construction sa kanilang lugar ay hindi na siya nagdalawang isip na pasukin ang trabaho. Mahirap man ang pisikal na pagod at peligro na dala ng trabaho ay hindi alintana ni Joan para lamang may maipakain sa kanyang mga anak. Tuwing tanghalian ay umuuwi pa si Joan sa kanilang bahay upang ipagluto ang mga anak ng pagkain. Talaga namang nanabilib.

Tinulungan ng “Wish ko lang”ang pamilya ni Joan, at sinundo si Sherwin sa Rizal. Sinorpresa ang mag-anak at sa wakas ay nagkita rin ang magpamilya na labis-labis ang tuwa sa kanilang muling pagsasama.

Kasama pa sorpresa at tulong ng programa ang isang malaking kahon na naglalaman ng mga gamit sa pang araw-araw na pangangailangan. Kalakip din ang isang scholarship sa anak ni Joan na si Kryza, laptop, cellphone, pera, mga bueaty products, food cart at isang electric tricycle na magagamit nila sa kanilang pagnenegosyo at panibagong panimula.

Walang mapaglagyan ng saya ang buong pamilya at nagpasalamat sa “Wish ko lang”sa malaking tulong na natanggap.

Sponsored Links

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here