Sponsored Links
Home News Government Employees Babawasan ng 5 Taon ang Edad ng Pagreretiro

Government Employees Babawasan ng 5 Taon ang Edad ng Pagreretiro

1000
Sponsored Links

Kamakailan lamang nag-mungkahi ang ating butihing Senador Sonny Angara para sa kahawig na batas ngunit ito ay para lamang sa mga teacher na nagtuturo sa pampublikong paaralan. Ang nasabing batas ay ang Senate Bill No.1872 kung saan ang public school teacher ay maaari ng magretiro sa edad na 55 o di kaya magpatuloy pa ito sa kanyang pagtuturo.

imahe mula sa google

Subalit nitong nakaraang araw naghain naman ang ating Senador na si Win Gatchalian ng panibagong batas, Senate Bill No.738 na naglalayong bawasan ang edad ng pagreretiro sa lahat ng kawani ng gobyerno kung sa dating 60 ngayon ito ay baba sa edad na 55. At ang dating compulsory retirement age na 65 ay baba na lamang sa 60 taong gulang.

Basahin: Bill seeking to reduce the optional retirement age at 55 for public school teachers

Ayon kay Senador Gatchalian ang layunin ng nasabing batas ay upang mabawasan ang unemployment rate sa ating bansa na isa sa itinuturing na may malaking porsyento sa Asya. Bukod pa dyan nais ng Senador na mabigyan ng pag-kakataon ang iba pang nais makapag trabaho sa gobyerno. Dagdag pa ng senador na maagang masulit ng ating mga kawani ang buhay pagreretiro kung saan maaari nilang pasukin ang iba’t ibang larangan tulad na lamang ng pagnenegosyo at iba pa.

imahe mula sa wikipedia

Narito ang kanyang pahayag:
“If approved into law, and when the elder set retires early, there will be employment opportunities for more Filipinos, particularly the younger generation who are more adept in new methods and technological advancements, which are now becoming essential in the workplace,”

imahe mula sa google

Kung maisasabatas ang nasabing batas na ito tiyak na maraming matutuwa dahil mas maaga nilang matatamasa ang kanilang buhay retirado at hindi na kailangan pa maghintay ng sapat na edad para dito.

{source}

Sponsored Links

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here