Sponsored Links
Home Public Info Mga Senior Citizen na hindi Tumatanggap ng Pension nais mabigyan ng P1,000...

Mga Senior Citizen na hindi Tumatanggap ng Pension nais mabigyan ng P1,000 kada buwan – Sen. Kiko Pangilinan.

1603
Sponsored Links

Alam naman natin sa ating bansa hindi lahat ng Senior Citizen ay tumatanggap ng benepisyo marahil ang ilan dito ay hindi napaghandaan ang kanilang pag-tanda o hindi kaya sadyang hirap sa ating buhay. Kung mayroon man tumatanggap ng benepisyo, sila yung maituturing na indigents o walang mapagkukunan ng ikakabuhay ngunit ito ay sa halagang P500 lamang at iyan ay nakasaad sa Republic Act (R.A.) 9994 or the Expanded Senior Citizens Act of 2010.

imahe mula sa philstar

Ngayon ang ating Senador na si Kiko Pangilinan ay nais itong palawigin kaya naman siya ay naghain ng Senate bill No, 259 kung saan mula sa P500 ay magiging P1,000 na ang maaaring matanggap ng ating mga Senior Citizen, bukod pa diyan nais nya mapasama dito ang mga pesionless o ang mga indigents. Giit pa ng Senador na matagal ng batas ang Expanded Senior Citizens Act of 2010 halos siyam na taon na ang lumipas kaya maaari na itong irebisa.

Basahin: Mga Benepisyong Maaring Makuha ng Isang Senior Citizen

Sambit pa ng Senador Kiko Pangilinan:
“Hindi na ito sapat para sa araw-araw na gastusin at lalo na sa pang-medical. Tumaas na ang halaga ng mga pangunahing bilihin at binaba nito ang totoong halaga ng social pension na tinatanggap nila ngayon,”

imahe mula kay gerona gov

Kaya naman pinagbasehan nya ang ginawang pag-aaral sa taong 2017, Kung saan ang limang daang piso ay bumababa sa taong kasalukuyan. Kung sa taong 2017 ay nasa P500 pa ito, anya ngayong taong 2019 ay nasa P403 na lamang ito.

Halos malaking halaga ng porsyento ang ibinababa nito. Marahil dala na rin ng pag-taas ng ating mga bilihin. Malaking tulong ang natatanggap na ito ng ating mga Senior Citizen kung mayroon tatlong milyong nakikinabang dito malamang panahon na rin para sa mga pesionless na makatanggap ng munting benepisyo.

{source}

Sponsored Links

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here