Home Blog Page 3

Huwarang Guro, Kung anong meron si Teacher ibinabahagi nito sa kanyang mag-aaral dahil gusto nitong makita ang ngiti sa mukha ng mga bata

0
Huwarang Guro, Kung anong meron si Teacher ibinabahagi nito sa kanyang mag-aaral dahil gusto nitong makita ang ngiti sa mukha ng mga bata

Sa panahong dumadanas ang ating mundo ng pighati at kalungkutan sa ating pamayanan, bilang tao ang hirap na sasabayan mo pa ito ng hindi magadang vibes sa buhay. Mas mainam na hanapan natin ng positibong pananaw ang bawat masalimuot na sitwasyong nagaganap sa ating buhay.

Larawan mula kay Noemei L. Oronan

Kung makakasalamuha natin ang mga taong tulad ni Ma’am Noemei L. Oronan na siyang ipinagmamalaki ng Paaralang Elementarya ng Mikit. Si Ma’am Noemi ay teacher ng mga Kindergarten student at sa unang araw pa lamang ng pasukan nagpamalas na ito ng kanyang kabutihan loob sa mga mag-aaral. Namigay ito ng mga tsinelas at pagkain kung saan makikitaan mo ang mga batang mag-aaral ay todo ang ngiti sa kanilang labi na siyang hangarin naman ng ulirang guro.

Larawan mula kay Noemei L. Oronan

Si Ginang Nancy M. Oronan na siyang tagapamahala sa nasabing paaralan ay labis ang paghanga sa ginawa ng kanyang guro, ayon dito sa kabila ng pandemya kung saan lugmok ang moral ng karamihan ay nakuha pa umanong ibahagi ni Teacher ang kakarampot na biyayang kanyang natatanggap. Hindi man maganda ang kasalukuyang sitwasyong ating kinakaharap minabuti pa rin ni Teacher Noemie na maghatid ng saya.

Larawan mula kay Noemei L. Oronan

Marahil ito rin ang paraan ng ulirang guro upang ang mag-aaral ay sipagin at magkaroon muli ng interes na pumasok sa paaralan, marami sa ating kabataan ang matagal na nabakante at halos ikinapanibago ng mga ito ang pagpasok muli sa eskwelahan.

Larawan mula kay Noemei L. Oronan

Ang tulad ni Teacher Noemie ay siyang inspirasyon sa karamihan at ang kanyang kabutihan ay likas na sa kanyang pagkatao. Hindi man marangya ang naging pamumuhay ni Teacher makikitaan pa rin ito mabuting kalooban na siyang higit pa sa yamang maituturing.

Larawan mula kay Noemei L. Oronan

Narito ang buong post mula sa DepEd Schools Division of Davao Oriental

Huwarang Guro
“Hindi lahat ng bayani ay nakaukit sa bato, ang iba ay sadyang makatao.”
Isa sa maipagmamalaki ng Paaralang Elementarya ng Mikit ang pagkakaroon ng ganitong guro sa katauhan ng Kindergarten Teacher na si Ma’am Noemei L. Oronan, kung saan maihahalintulad siya sa isang Samaritano na may ginintuang puso na walang ibang hilig kundi ibahagi ang kanyang mga biyaya.
Larawan mula kay Noemei L. Oronan
Sa unang araw ng pasukan, nagbigay siya ng pagkain at tsinelas sa kanyang mga mag-aaral. Makikita sa larawan ang kasiyahang naidulot ng guro kahit pa man sa munting paraan, bagkus ito ay isang magandang kaugalian na dapat ipagpatuloy nang sa gayun ay mawili ang kabataan na pumasok sa paaralan.
Ayon pa sa gurong namamahala na si Ginang Nancy M. Oronan, siya ay napahanga sa ginawang kabutihan ng kanyang guro. Labis siyang nagpapasalamat sapagkat sa kabila ng pandemyang ating kinakaharap, hindi ito naging balakid upang siya ay makapagbigay ng ngiti sa mga bata.
Maliit man o malaki, kaunti man o marami, sadyang nakakabagbag damdamin kapag tayo ay nabiyayaan ng mga bagay mula sa taong taos sa puso ang pagbibigay. Malasakit at pagmamahal sa kabataan ang naging batayan ng guro tungo sa maunlad na pagsasamahan.
Texts || Ivy S. Piamonte , Alicia A. Apostol,

Saklap, dating OFW at breadwinner ng pamilya noon, ngayon na daw ay pabigat na lamang sa kanyang pamilya

0
Saklap, dating OFW at breadwinner ng pamilya noon, ngayon na daw ay pabigat na lamang sa kanyang pamilya

Hindi naman maikakaila na ang pagiging #ofw o Overseas Filipino Worker sa kasalukuyan ay tinaguriang modern hero ng ating bansa. Marahil dahil sa sakripisyo nila abroad na siyang nagkakapagbigay ginhawa sa ating bansa maging sa kanilang pamilya. Hindi biro ang mag-trabaho sa ibang bansa na mag-isa, habang ang pamilya mo nasa Pilipinas.

Ang pangungulila sa bawat araw na lumilipas, ang walang kasiguraduhan sa bansang iyong tinuring na sariling bayan at ang masaklap na katotohanan sa tuwing magkakaroon ka ng karamdaman ay sarili mo lamang ang iyong karamay. Ang katotohanan malungkot mag-isa lalo na kung ikaw ay nasa malayong lugar, ang tanging magagawa mo lamang ay video call para sa pamilya mo at ito ang kadalasan nakakapag alis ng lungkot.

Salamat na lamang nga sa panahon ngayon ay may makabagong teknolohiya, ngunit ang mga ito kung minsan hindi nagiging sapat. Tulad ng isang sa isang facebook page na DUBAI Kabayan kung saan sinasabi makikita sa isang larawan na may nakasulat na “Tinulungan ko sila noon bakit pabigat na ako sa kanila ngayon”, Marahil malalim ang dahilan kung bakit nasambit sa lawaran ang mga katagang kanyang nabitawan.

Kung ating susumahin ito dahil sa mga panahong masagana at malakas pa ang pangangatawan ni Lolo bilang #ofw ay siyang naging sandalan ng kanyang pamilya ngunit ng siya naman ay nasa Pilipinas na upang mag for good kung tawagin ng iilan, ay wala itong naasahan sa kanyang pamilyang tinulungan.

Ito ang aral sa post o sitwasyon na ganito kahit gaano ka man kalakas sa kasalukuyan darating ang panahon na ikaw ay manghihina at uuwi ka rin sa bansang iyong pinanggalingan. Matuto tayong mag-ipon pahalagahan ang sarili huwag ubos biyaya at kahit nagbibigay tayo sa ating pamilya magtabi naman tayo para sa ating sarili para kung dumating man ang panahon, tayo mismo ay hindi na aasa kanino man.

Narito ang kabuuan ng post mula sa DUBAI Kabayan #ofw facebook page:

10,20 years abroad. Pinag-aral ang kapatid,anak,pamangkin.
Nong umuwi sa pinas at mag for good na ay walang gaanong ipon.
Umasa sa anak,kapatid,pamangkin kasi sabi sila naman ang tutulong. Biglang nag asawa si anak,kapatid,pamangkin.Naiwan kang windang Kung saan kukunin ang araw araw na gastusin.😐
Sino ngayon ang kawawa?
Masaklap na katotohanan.
Wag ipagsawalang bahala.
Mag ipon
Mag plano
Mag siguro
Para hindi sapitin ang ganito…
Tandaan na di masama ang tumulong pero kilangan magtira parin para sa sarili para kahit papano may pera Kang maiuwi sa pinas. Di habang Panahon ay malakas pa ang iyong pangangatawan. Di habang buhay ay bata pa, habang tumatagal ay papunta tayo sa katandaan. Hihina ang ating pangangatawan Kaya mabuting gawin ay mahalin ang sarili. Habang bata pa at malakas ang pangangatawan ay mag Ipon at magpundar ng negosyo para kahit papano ay may nakaalalay sayo kahit wala kana sa abroad. Maging masinop at pahalagahan ang iyong sinasahod habang na sa abroad pa

Ginang naglalabandera kapalit ng gatas,biscuit at diaper para sa kanyang mga musmos na anak

0
Ginang naglalabandera kapalit ng gatas,biscuit at diaper para sa kanyang mga musmos na anak

Aminin man natin ang ang kapalaran ng tao ay sadyang hindi pantay-pantay may ipinanganak na mahirap o salat sa yaman at mayoon naman sadyang may marangyang pamumuhay. Sa panahon ngayon kung hindi ka magsusumikap ay mapagiiwanan kang dilat at walang mararating sa buhay. Kung hindi ka kikilos at walang diskarteng gagawin hindi ka makakain ng tatlong beses sa isang araw, ganito ang sambit ng iilan nating kababayan.

Sabagay kung ating titingnan may pinupunto naman talaga ang mga katagang ito,. Napakamahal na ngayon ng bilihin ang sahod ng ordinaryong empleyado ay hindi na sasapat sa pang-araw araw na gastusin, samahan pa ito ng pagtaas ng pamasahe at traffic na siyang nakakapagbigay yamot sa atin. Ngunit ganunpaman sikapin natin na tingnan ang mas magandang pananaw sa buhay, pasalamat pa rin at may trabaho, kung tutuusin ay mas mainam pa rin ang may trabaho kesa wala.

Larawan mula kay Reyhan Rabanes Arip

Tulad na lamang ng kalagayan ni Reyhan Rabanes Arip, isang raketerang ginang na pilit humahanap ng paraan para mabigyan ng makakain sa pang-araw araw ang kanyang mga maliliit na anak. Ayon kay Reyhan mas pipiliin niyang mag-alok ng serbisyong paglalaba sa social media kaysa makipagtsimisan o maging marites ng barangay.

Larawan mula kay Reyhan Rabanes Arip

Sa kanyang facebook post, iniaalok niya ang paglalaba kapalit ng diaper, biscuit o gatas na bilang bayad sa kanya. Ang nasabing post ay umagaw ng atensyon sa mga netizen na siyang nagbigay daan upang magbigyan ng tulong ang ginang. Dinagsa ng tulong si Reyhan at mga magagandang papuri na siyang naging inspirasyon sa iilan nating kababayan.

Larawan mula kay Reyhan Rabanes Arip

Ito ang nakasaad sa kanyng socmed post;
“ohh cno magpalaba nasa sanroque ako bukas baka gusto nyo mag palaba kapalit lang diaper at biscuits mg junakis ko or gatas”
“mag sidelinemuna ako Dm lang sa gusto magpalaba paunhan nalang..” saad ni Reyhan sa naturang post.
“ayoko tumanganga nalang kaya sideline nalang kasama ko mga junakis ko”

Larawan mula kay Reyhan Rabanes Arip

Sa ngayon labis ang pasasalamat ni Reyhan sa mga taong nagpaabot ng tulong sa kanya, hindi man nito maisa-isa ang pagpapasalamat. Ngunit sa puso niya taos at lubos ang pagpapasalamat niya sa lahat ng tumulong.

Basahan na tinitinda ng isang estudyante, nagpaantig sa mga netizen matapos gawin niya itong pamasahe tuwing papasok sa eskwelahan

0
Basahan na tinitinda ng isang estudyante, nagpaantig sa mga netizen matapos gawin niya itong pamasahe tuwing papasok sa eskwelahan

Pasukan na naman, maraming estudyante ang handa ng pumasok sa paaralan at dagsa  na ang mga bata sa lansangan. Umpisa na rin ng traffic sa mga kalsada dahil sa kumpolan na rin ang mga pampublikong sasakyan.

Diyan na rin natin makikita ang ilang mga estudyante na nagsisikap makapag-aral kahit na salat ang buhay. Alam naman natin na hindi lahat ay may marangyang pamumuhay, kaya halos maaantig ka rin sa ibang mga kabataan pilit naghahanap buhay makapasok lang sa paaralan.

Alam naman natin sa panahon ngayon marami sa ating kabataan ang hindi na masyadong pinapahalagahan ang edukasyon, marahil sa hirap ng buhay at pandemya naranasan na siyang lalo nagpahirap sa karamihan. Kaya naman kung makakakita ka ng estudyanteng pinagsisikapan ang pag-aaral kahit salat sa buhay ay tunay ang kirot sa puso.

Tulad ng pangyayaring ito na naipost sa social media ng isang pasahero, isang estudyante sa jeep ang kinaantigan ng mga netizen dahil sa pagsisikap nitong makapasok sa paaralan. Gamit ang kanyang panindang basahan upang maging pamasahe nito pagpasok, pumayag naman ang driver ng jeep at tila binili pa ang ilan sa mga paninda ng batang estudyante.

Narito ang buong post; Share ko lang po yung karanasan ko kanina

So, kanina late na po ako and traffic pa.

At nung nasa bandang LA FORTEZA na po kami

Biglang may isang studyante babae na may dala’dalang basahan ang sumakay na kumuha ng aking atensiyon.

SIYA: Manong! Mag kano po yung pamasahe

Hanggang libis po? (Mahinang pagkakasabi)

DRIVER: otso

SIYA: pwde po bang basahan nalang?

DRIVER: * tumango *

MANONG: aysige ako na * sabay kuha ng pera sa bulsa*

SIYA: ay, salamat po!

DRIVER: aysige wag na..

SIYA: salamat po!!

MANONG: magkano ba yang basahan?

SIYA: sampo lang po.

MANONG: *binigyan siya ng bente pesos*

SIYA: wala po akong panukli

MANONG: sige iha, sayo na yan wag mo na suklian

SIYA: salamat po!

BABAE: magkano yan ineng?

SIYA: sampo po.

BABAE: oh! Ito *binigay ang bente* sayo nayan.

~ Pagkatapos ay kinausap po siya ni manang na katabi niya po. Sabi niya nag- aaral daw po siya saTala High. at ang kaniyang mga magulang ay nag titinda lang din po ng basahan.

So, ayun nakakaiyak na nakakatuwa lang po

na di siya huminto sa pag aaral kundi pinag sasabay niya ang pag aaral habang nag titinda ng basahan. Eh yung iba nga saatin ay pa chill chill lang at sagana pero nagagawa paring mag cutting classes at yung iba pa diyan tinatamad pumasok. Sana gayahain natin si ate gurl and sana maging insirasyon siya sating mga studyante.

 diko pinost ito para sa LIKES. Pinost ko ito para naman maging isang inpirasyon sa mga estudyanteng katulad ko at para nadin matulungan si ate gurl. Sana hipuin ang inyong mga puso at matulungan si ate kahit pang baon lang or gamit sa school

So, Hello ate gurl ingat ka parati kung sino ka man po. Pagpatuloy mo lang yan, aral ka pong mabuti ikaw din aani ng pag sisikap mo para sa future. GOD BLESS!! {via}

Ito pala ang pangyayari sa buhay ng pambansang kontrabida ng pelikula na si Paquito Diaz kaya biglaan ang pagkawala nito sa eksena

0
Ito pala ang pangyayari sa buhay ng pambansang kontrabida ng pelikula na si Paquito Diaz kaya biglaan ang pagkawala nito sa eksena

Mga sikat at batikan sa larangan ng pag-arte ang unti unti nawawala sa kamera ang ilan ay tuluyan ng namaalam sa ating mundo. Ngunit may isang batikang aktor na malaki ang kontribusyon pagdating sa pag-arte ang minsan nagbigay sa atin ng saya at ligaya. Sa kanyang talento na minsan niyang naibahagi sa atin maging sa sports na naging tulay upang tuluyan siyang makilala sa bilang mahusay na kontrabida sa pinilakang tabing.

imahe mula sa google

Siya si Francisco Bustillos Diaz Sr. o mas kilala sa screen name na Paquito Diaz na ipinanganak noong Mayo 28, 1937. Si Paquito ay tubong Arayat, Pampanga at ang kanyang mga magulang ay Maria Bustillos at Silvino Diaz na pawang may mga lahing Mexicano at Amerikano. Siya din ang ama ng mga artistang sina Joko Diaz at Cheska Diaz na pawang nagmana ang mga ito kanyang talento sa pag-arte.

imahe mula sa google

Si tito Kits na bansag ng iilan ay isang mahusay na aktor na kung saan iba’t ibang talento ang naipakita nito sa showbiz, hindi lamang magaling na aktor bilang kontrabida, magaling din itong komedyante na syang makikita mo naman sa kanyang mga pelikula. Lalo mas nakilala ang batikang aktor ng maging kontrabida ito sa bawat pelikula ng kanyang matalik na kaibigan na si FPJ o Fernando Poe Jr.

imahe mula sa google

Sa bawat gagawing pelikula ni FPJ hindi maaaring walang Paquito Diaz na gaganap bilang kontabida, sa pamamagitan ng kanilang tandem umusbong lalo ang karera ni tito kits. Ito ang nagbigay pa sa kanya ng maraming proyekto na siyang naging dahilan upang mabansagan hari ng kontrabida ng pelikulang pinoy.

imahe mula sa google

Ngunit alam niyo ba? kung paano talaga napasok sa showbiz si Paquito, Ito ay dahil sa husay nito sa paglalaro ng basketball katuwang nito ang isa pang mahusay na kontrabida at kanyang kapatid na si Romy Diaz, sa paaralan ng FEU nakilala ang husay ng Diaz brothers pagdating sa usapang basketball na minsan din naging bahagi sila ng tatlong sunod na kampeonato ng paaralan.

imahe mula sa google
imahe mula sa google

At ng minsan may pelikulang gagawin ay napasama si Paquito sa paggawa nito ang kauna-unahang pelikula na may pinamagatang “Mr. Basketball” dahil ang kanya palang teamate na si Sergio Santiago ay isang direktor. Sa nasabing pelikula nabigyan lamang siya ng maliit na role dahil ang talagang bida dito ay si Bob Soler.

imahe mula sa google

Nagpatuloy ang pagiging popular ni Paquito ngunit sa hindi inaasahan bigla na lamang ito nawala sa sirkulasyon ng pag-arte at ang naging dahilan pala ang pagkakaroon nito ng karamdaman na kung saan nasimot ang kanyang mga naipundar upang maipagamot ang nararamdaman nito. Kasabay nito ang paglamlam din ng pelikula sa ating bansa at madalas na sa telebisyon na lamang ang palabas dahil na rin sa pag-usbong ng mga teleserye.

imahe mula sa google

Dahil sa sakit hindi na makita ang matipunong kontrabida ang dating matikas na pangangatawan ay lumaylay at ang mga matang mabilasik ay malamlam, ang kanyang bigoteng napakaangas ay naglaho. Di kalaunan tuluyan ng namaalam ang ating pambansang kontrabida, sa edad na 78 noong March 3, 2011 ay pumanaw na ito. Hindi na rin kinaya ng kanyang katawan ang labis na panghihina na dulot ng kanyang karamdaman.

Sa totoong buhay ang maangas at kinaiinisan ng lahat sa pelikula ay isang mabait na asawa at mapagmahal sa kanyang pamilya’t mga kaibigan. Ngayon ang ibang kabataan marahil hindi na naaalala ang kanyang tikas ngunit sa puso ng karamihan mananatili ang minsan pagbibigay niya ng saya at aliw sa ating mga Filipino.

19-anyos na tindera matapang pinalagan ang nanloob sa kanyang pinapasukang burger stand

0
19-anyos na tindera matapang pinalagan ang nanloob sa kanyang pinapasukang burger stand

Napapanahon na naman ang nagkalat na masasamang loob sa ating lipunan, tila ba parang nagsulputang kabute ang mga ito na walang habas sa paggawa ng kalokohan sa kapwa. Karaniwan sa mga ito ginagawang dahilan ang kahirapan samantalang maaari naman magtrabaho ang mga ito upang kumita ng marangal.

Sa lugar ng Baguio may isang real life darna nang palagan nito ang nanloob sa kanyang pinapasukang burger stand. Si Erika Perez isang 19-anyos na dalaga ay walang atubiling nilabanan ang lalaking may bitbit na baril nang pasukin nito ang kanyang binabantayang tindahan.

Kuha sa video ang pag-aligid ng isang lalaking nakahelmet na tila ba nagmamasid ng bigla na lang itong sumampa sa loob ng tindahan at walang anu-anong pilit kinukuha ang pinagbentahan sa kaha. Ngunit habang nagaganap ang ganung eksena matapang naman na kinukuha ni Erika ang nasabing bitbit na baril na kalaunan ay napag-alaman na isa pa lang toy gun.

Marami ang humanga sa katapangan ng dalaga ngunit may ila din naman nangamba sa maaaring kahinatnan nito kung sakaling nag-iba ang ihip ng sitwasyon. Napag-alaman pa na notoryos pala sa paggawa ng hindi maganda ang lalaking nanloob, ito ay batay sa profiling na ginawa ng mga pulisya matapos masakote ang suspek.

Samantala ayon sa pahayag ni Erika kaya naman niya nagawa ang bagay na iyon ay dahil sa adrenaline rush; “Siguro adrenaline rush din po, tsaka iniisip ko eh hindi naman po doon matatapos ‘yung buhay ko kung hahayaan ko lang siya sa kung anong gawin niya” Dagdag pa rin niya na ito ang kauna-unahang tindahan ang tumanggap sa kanya upang magkatrabaho.

Kasabay ng pagkabilib ng mga netizen umani di ng papuri ang dalaga sa mga ito, marahil na rin sa panahon ngayon bihira ang gagawa ng tulad ng kanyang nagawa. Ang maagaw mo ang baril at mahuli ang suspek sa pagbuwis ng sariling kaligtasan ay hindi biro.  via: Baguio City Police

Madalas umuuwing luhaan dahil sa pangungutya ng kapwa ngayon isa ng modelo at negosyante

0
Madalas umuuwing luhaan dahil sa pangungutya ng kapwa ngayon isa ng modelo at negosyante

Hindi mo masasabi ang takbo ng buhay kaya nga ang kasabihan kung sino ang nagpapakumbaba ay siyang iniaangat ng Panginoon at kung sino ang nagmamataas siyang ibinababa naman.

Para sa mga kababaihan isang mahalagang aspeto ng kanilang pagkababae ang pagkakaroon ng magandang mukha bukod sa magandang kalooban. Kadalasan ito rin ang puhunan upang makahanap ng magandang trabaho o kalagayan sa buhay. Hindi man pinalad ang iilan ngunit may ibang plano naman ang Diyos na nakalaan sa bawat indibidual.

Larawan ni Joanna Sisracon

Ngunit paano kung isa ka sa hindi nabiyayaan ng makinis at magandang mukha? Marahil siguro maging positibo ka lamang sa bawat nangyayari sa ating pang-araw araw na pakikisalamuha sa buhay. Hindi palaging nasa ibaba palaging tandaan darating din ang panahon mo. Katulad na lamang ni Joanna Sisracon na isinilang na may makinis na balat at magandang mukha bagamat dumaan sa maraming pagsubok ngunit ngayon ay isa ng matagumapay.

Larawan ni Joanna Sisracon

Taong 2003 sa di inaasahang pagkakataon nagkaroon ng 2nd degree burn si Joanna, dahilan kung bakit nalapnos ang ibang parte ng kanyang mukha at ulo. Ayon sa kanyang ina na si Soly, pinaniniwalaan na nasanggi ito ni Joaana ang gasera noong limang buwan gulang pa lamang ito habang gumagapang na siyang naging dahilan ng kanyang natamong pinsala sa mukha.

Kwento pa ng ina noong mga panahon na iyon ay sobrang hirap ng buhay nila kaya naman madalas gasera lamang ang gamit ng mga ito bilang ilaw sa kanilang tahanan. Hindi malilimutan ni Soly ang pangyayaring yun, na siyang naging umpisa ng kalbaryo ni Joanna. Malaking parte sa kanyang ulo ang hindi na tinubuan ng buhok at ganun din sa kanyang mukha na nag-iwan ng isang malaking bakas ng peklat.

Larawan ni Joanna Sisracon

Sa paglaki ni Joanna hindi naging normal ang kabataan nito ang kanyang itsura ay naging tampulan ng tukso kung saan madalas itong umuuwi ng luhaan sambit ng kanyang ina. Ngunit hindi nawalan ng pag-asa si joanna at nagpatuloy ito sa kanyang pag-aayos sa sarili. Gumagamit ito ng wig upang matakpan ang parteng walang buhok sa kanyang ulo at dagdagan pa nito ng kolorete para naman sa peklat sa kanyang mukha.

Naging aktibo ang dalaga sa kanyang social media kung saan marami na rin itong followers na halos malapit na umabot sa isang milyon. Samantala isang video ang niya ang naging trending na umabot ng 30 million views, sa video makikita ang paglantad nito ng kanyang buong itsura.

Larawan ni Joanna Sisracon

Ayon sa dalaga “Masakit man pero kailangan tanggapin… hindi niyo alam ilang taon ako naiinis sa sarili ko” Ganunpaman ito rin ang naging daan upang mapansin siya ng anak ng Presidente at CEO ng Ever Bilena Cosmetics, Inc. kung saan pinagkalooban siya ng 50,000 tulong pangkabuhayan at binigyan ng pagkakataon maging modelo sa nasabing sikat na beauty products.

Larawan ni Joanna Sisracon

Tila malaking kaginhawaan ang pagkakataon na nangyari sa buhay ni Joanna at ina nito, dagdag pa ni Soly tila isang himala ang pagkakaligtas ni Joanna sa sunog at isa din himala ang tinatamasa ng kanyang anak sa kasalukuyan, kaya naman labis ang pasasalamat nito sa panginoon.

Palaging tandaan na hindi sa lahat ng oras ay nasa laylayan tayo ng pamayaan, palagiaan lamang magkaroon ng mabuting puso sa anumang sitwasyon nagaganap sa atin at patuloy na magdasal, magtiwala sa Diyos at sa sarili.

Tunghayan ang pamumuhay ngayon ng dating sikat na asian celebrity na sumikat sa ating bansa noong 90’s na si Cynthia Luster

0
Tunghayan ang pamumuhay ngayon ng dating sikat na asian celebrity na  sumikat sa ating bansa noong 90’s na si Cynthia Luster

Dekada 90’s kung saan hindi pa halos nauuso noon ang mga gadgets na tulad ng cellphone, internet at mga online games. Ang tanging mapaglilibangan lamang ay pakikinig sa radyo ng mga drama at balita, pagbabasa ng dyaryo at panonood ng telebisyon.

Larawan ni Yukari Oshima / Cynthia Luster
Larawan ni Yukari Oshima / Cynthia Luster

Ito rin ang panahon kung saan sikat ang martial arts at kung fu o sa madaling salita para sa ating mga pinoy ay karate. Ilan sa mga pangalan ang matutunog noon tulad nila Bruce Lee, Jackie Chan, Jet Lee at iba pa. Kaya naman hindi naglaon pinasok na rin ng mga ito ang pag-aartista.

Larawan ni Yukari Oshima / Cynthia Luster

Tiyak sa panahon na iyon kapag sila ang bibida sa pelikula asahan mo na dudumugin ng tao lalo na kung ito ay ipapalabas sa mga sinehan. Ngunit hindi lamang madalas kalalakihan ang naging popular noon may ilan ding kababaihang martial artist ang sumikat at pumalaot sa showbiz.

Larawan ni Yukari Oshima / Cynthia Luster

Magbalik tanaw tayo sa isang dayuhang minsang naging popular sa ating bansa dahil sa kanyang pagkakaroon ng angking talento sa martial arts at pagiging maka-Filipino nito. Siya si Cynthia Luster o Yukari Oshima sa tunay na buhay, Isinilang noong Disyembre 31, 1963 sa bansang Japan. Ang kanyang ina ay isang fashion designer samantalang ang kanyang ama ay isang negosyante sa nasabing bansa.

Larawan ni Yukari Oshima / Cynthia Luster
Larawan ni Yukari Oshima / Cynthia Luster

Bago pa man nakilala sa ating bansa si Cynthia Luster bilang artista, siya muna ay naging popular sa bansang Hongkong kung saan marami itong nagawang pelikula gamit ang kanyang galing at talento sa martial arts. At kinilala rin ito sa kanilang bansa bilang isa sa mahusay sa larangan ng karate.

Sa mga hindi nakakaalam bago pa rin makarating sa ating bansa si Cynthia ay gumanap na itong kontrabida sa sikat na palabas noon na ‘Bionman’ kung saan halos ang mga kabataan noon ay ito ang inaabangan at pinapanood. Nang maglaon napadpad si Cynthia sa ating bansa at gumawa ng kabi-kabilang mga pelikula kung saan nakasama niya ang mga sikat na artista ng ating bansa, Nariyan si Bossing Vic, Monsour Del Rosario, Lito Lapid, Jestoni Alarcon at iba pa.

Larawan ni Yukari Oshima / Cynthia Luster

Sa paglipas ng panahon unti unting humupa ang kasikatan ni Cynthia marahil sa mga nag-uusbungan makabagong teknolohiya na alam naman natin pati ang ating sariling pelikula ay nanamlay. Kaya naman sa mga panahong iyon nagpasya siyang bumalik sa bansang Japan kung saan naroon ang kanyang pamilya.

Retirado na? Yes retirado man siya sa paggawa ng pelikula ngunit naging aktibo naman ito sa pagpromote ng kanilang turismo at isa pa ang kanyang pinagkakabalahan ngayon ay maipasa ang talento sa mga kabataang nais gumawa ng martial arts movies.  Sa Yukari Oshima Action School kung saan dito na siya aktibo, hindi man natin makita sa malaking tela ang minsan nagpasaya sa atin nakakatuwa naman isipin na ang talentong minsang nagpasikat sa kanya ay naipapasa niya sa mga kabataan na nais pasukin ang minsang naging mundo niya.

Masama bang mag-ayos kahit may anak na, Kung pumorma daw parang dalaga at walang anak na inaasikaso

0
Masama bang mag-ayos kahit may anak na, Kung pumorma daw parang dalaga at walang anak na inaasikaso

Mahirap maging ina lalo na kung bago pa lang kayong nag-uumpisa bilang pamilya kaya naman maraming kababaihan kapag naging ina ay madalas napapabayaan ang sarili o kung minsan nasasabihan na losyang na ang mga ito. Pero kung ating titingnan ang ina ay isang propesyon na kailanman ay hindi napuputol o panghabang-buhay na ito.

Larawan mula kay JuJu Valdez-Tala

Simula ng isilang tayo sa mundong ibabaw diyan na mag-uumpisa ang pagsubok bilang ina, samu’t saring hirap at ginhawa ang mararanasan sa pagiging magulang lalo na kung ang kabiyak nito ay nasa malayong lugar o kung di naman nag-iisang pinalaki ang anak. Kaya naman ang tanging bawi mo na lang sa pagkakaroon ng anak ay maging mabuting mga anak sila pagdating ng araw at magkaroon ng magandang buhay sa tamang panahon.

Larawan mula kay JuJu Valdez-Tala

Kamakailan lamang umani ng atensyon sa socmed ang post ni JuJu Valdez-Tala na isang ina kung saan inilahad nito na ang pagiging ina ay hindi hadlang upang hindi ka maging kaaya-aya sa iyong katawan. Iba’t ibang reaksyon at komento ang nabanggit ng ilang nakabasa ng post ni Juju.

Larawan mula kay JuJu Valdez-Tala

Ayon kay Juju na nakuhanan ng lawaran sa isang Coffee shop na mukhang dalaga ang suot o kung pumorma ito. “May anak na pero parang dalaga pa rin pumorma”, kadalasan ang utak nating mga pinoy ay kapag may anak na hindi na dapat magbihis ng maayos dahil dapat mas inuuna ang anak. Ngunit para kay Juju hindi ito hadlang at pinili niyang mag-ayos at pagandahin ang sarili kahit na may anak ito.

Larawan mula kay JuJu Valdez-Tala

Nabanggit pa nga nito ang kanyang skin care ay mura lamang at sila ay walang yaya para sa kanyang sanggol na anak. Nakabukod sila ng tirahang mag-asawa kung at aminado siyang nakakapagod maging ina pero nasa tao kung paano mo pangangalagaan ang sarili mo.

Marahil ang post Juju ay hindi lahat makakarelate dahil sa iba’t ibang opinyon bilang magulang o ina. Ngunit para kay Juju ay nais lamang niyang pangalagaan ang sarili at hindi magpa-apekto sa nakagawian nating mga Filipino.

Narito ang post ni Juju sa kanyang socmed; “MAY ANAK NA PERO FEELING DALAGA PA DIN MANAMIT”
Common misconception in the Philippines kapag nanay ka. You’re not allowed to be pretty, sexy, enjoy nor express yourself. Yes it’s true, mahirap maging nanay. You need to wash your baby’s clothes, sanitize bottles, feed, comfort, in short WALANG DAY OFF.

Most women says nakakapangit maging nanay, which is totoo naman. There are times I feel ugly too and that’s the reason I always choose to make myself pretty whenever possible. I don’t have anything against moms who don’t get the time to do skin care or make up. It’s actually up to the person, kase nga naman pagod talaga and most of the time itutulog nalang pero in my case, I can still do it.

I mean, I can manage to take care of myself while taking care of my baby too. So please, let’s break this misconception. Again, iba iba tayo ng way to express ourselves. IF IT MAKES SOMEONE HAPPY AND IT DOESN’T HURT YOU, LET THEM.

Edited POV: Wala po kaming yaya, nakabukod po kami ng SUPPORTIVE HUBBY ko, I’m employed and mura lang po skin care ko/Maganda lang talaga ako! HAHAHA

Anak ng magsasaka na Senior High student tumataginting na 11-Milyon ang matatanggap sa 13 Unibersidad na kanyang naipasa bilang Scholar

0
Anak ng magsasaka na Senior High student tumataginting na 11-Milyon ang matatanggap sa 13 Unibersidad na kanyang naipasa bilang Scholar

Iba talaga ang talino ng Pinoy lalo na kapag pinagbutihan at pinagsikapan, hindi man lahat pinalad na mabigyan ng marangyang buhay ngunit sa pagsisikap gamit ang angking talino magagawa mong matupad ang iyong pinapangarap.

Kaya naman kamakailan naging maingay ang pangalang Benjamin Arches Baui, isang anak ng magsasaka na nakapasa sa labintatlong sikat na paaralan hindi lamang sa ating bansa maging sa labas ng ating bansa. Nagmula sa lugar ng Sto. Tomas, Isabela at nangarap kumuha ng kursong Architecture sa napipisil na unibersidad sa Ohio, USA.

Si Benjamin ay anak ng magsasaka, na tulad ng iilan ay may angking alab na determinasyong matupad ang kanyang mga pangarap sa buhay. Siya ay magtatapos bilang senior high ng makapasa sa mga scholarship sa mga pinakapipitagang paaralan sa ating bansa maging sa ibang bansa. Halos 11-milyong piso ang kanyang matatanggap na alok ng mga unibersidad sa kanyang scholarship kaya naman naging matunog ang pangalan nito sa social media maging sa mga mainstream media.

Sambit ng binata sa isang panayam sa kanya “Ang plano ko po is grab the opportunity in Xavier University. Yun po yung pinakamataas na na-receive kong scholarship, which costs PHP1.5 million per year, into five years of my course…. Then probably it will cost me, I will receive [a scholarship] approximately PHP7 million,”

Mahirap man ang kanyang pinagdaanan naging matamis at sulit naman ito sa huli dahil na rin sa resulta ng kanyang mga pinaghirapan.

“Nag-pay off naman po yung hardship ko from writing recommendations, application letters, letter of appeal, from examining…”

Upang maging inspirasyon ibinahagi ni Benjamin ang kanyang nakamit at kung may pagkakataon ay nais niyang samantalahin din ng iba ang kakaibang oportunidad na ito.

“Sa libu-libong mga aplikante na natanggap at nasuri ng Admission’s Committee, ako ay namumukod-tangi. Sobrang puno ng puso ko ngayon. Ni hindi ko alam kung paano ilalabas ang halo-halong emosyon na nararamdaman ko ngayon,”

Para naman sa maraming kabataan o taong nangangarap nagbigay din siya ng payo sa mga ito upang huwag pakawalan ang mga pagkakataon na dumadating sa ating buhay at subukan ang bawat oportunidad.

“Ang makamit ang isang pangarap ay napakagaan sa loob. It is only a once-in-a-lifetime opportunity so I’m really willing to grab it,” dagdag pa ni Benj.

“Inaamin ko na magiging mahirap para sa akin ang mga bagay dahil kailangan kong kumita ng sapat na pera upang manatili sa Estados Unidos.” “Ang pinaka importante po sa lahat ay maging disiplinado po sa pag-aaral and maging responsable po. And don’t let your anxiety deter you from achieving your dreams,”

“Wag kang mapaghinaan ng loob sa mga bad feedbacks from other people, don’t doubt yourself and you should find strength in yourself to achieve your dream po,” “Back when I was a child. It was just a dream. It all started with a vision and now I achieved it po,”- payo pa nito.

Samantala narito ang kanyang buong kwento sa kanyang social media account;
not just 1, but 7 international schools xo
#internationalstudent #internationalschool #internationalscholarships #filipino #international
I’m Benjamin Arches Baui, from Santo Tomas, Isabela. I am a graduating Grade 12 Student.
As of now, these are the international universities I’ve passed. I am delighted to inform you all that I have been accepted as a first-year student to a number of prestigious international schools in the United States for the Fall of 2022. My strong application and outstanding academic prowess have proved to the Admissions committee that I have the academic strength, ingenuity, and talent to succeed. As a result, I’ve gotten scholarships and awards worth a total of 11 million pesos in the Philippines.
1. Passed Bentley University Class of 2026. Awarded as one of the talented pool of students globally. Bentley University is a private university focused on business and located in Waltham, Massachusetts.

2. Admitted to Arizona State University Class of 2026. Received a New American University Scholarsip valued 40,000 usd or 2 million in Philippine Peso. Arizona State University in Tempe, AZ is a public research university ranked #1 in the U.S. for innovation, dedicated to accessibility and academic.

3. Offered an admission to Xavier University Class of 2026. Awarded the Presidential Scholarship valued 100,000 usd or 5.2 million in Philippine Peso. Xavier University is a private Jesuit university in Cincinnati and Norwood, Ohio.

4. Passed the University of Arizona. Met the academic requirements and received a Global Wildcat Award valued 30,000 usd or 1.5 million in Philippine Peso. The University of Arizona is a public land-grant research university in Tucson, Arizona.

5. Conditionally admitted to Syracuse University’s dual enrollment. Syracuse University is a private research university in Syracuse, New York.

6. Merrimack College. Merrimack College is a private Augustinian university in North Andover, Massachusetts.

7. Jacobs University Bremen. Private university in Bremen, Germany. A private, English-speaking campus university in Germany with highest standards in research and teaching following an interdisciplinary concept. Have been awarded a scholarship of € 6000 per academic year.

I also passed these universities here in the Philippines:
1. Enderun Colleges
2. De La Salle University- Dasmariñas
3. University of Santo Tomas
4. Far Eastern University
5. University of Saint Louis – Tuguegarao

I am making an effort not to brag yet I’m simply past glad for myself due to the way that I endure the main portion of my objectives for my college education. The decisions have made me up to this point have led me at to this moment and it’s no small triumph. Among the thousands of applicants the Admission’s Committee have received and reviewed, I have stood out .
P.S. Let’s standardize posting our accomplishments for this denotes our assurance in seeking after our dreams. {via}

BFF goals, Mga dating delivery rider noon abot na ang pangarap ngayon sa pagiging mga alagad ng batas

0
BFF goals, Mga dating delivery rider noon abot na ang pangarap ngayon sa pagiging mga alagad ng batas

Isang patunay na basta ang pangarap ay kinilusan at sinamahan ng dasal ay makakamit mo sa tamang panahon. Gaano man kahirap mo ang pinagdadaanan mo ngayon, balang araw sa pamamagitan ng pagsisikap mo sa buhay lahat ng pinangarap mo ay makakamtan. Ganito ang pinatunayan ng tatlong magkakaibigan na sina Kendrick De Guzman, Gilrex Servidad Jr at Mark Lawrence Rance.

Sila pawang magkakaibigan na minsan nangarap at kalaunan ay natupad, mga dating grab rider na ngayon ay nakapagtapos na ng kolehiyo at malapit na sa kanilang pangarap na maging isang alagad ng batas. Salaysay ni Kendrick siya ang naghikayat sa dalawa niyang kaibigan na sina Gilrex at Mark na pumasok bilang delivery rider, dahil nga ng mga panahon na iyon ay nasa unang baitang siya sa kolehiyo at isang ring Grab rider.

Ayon kay Kendrick ginagawa niya ang pag-grab grab upang may pandagdag sa gastuhin at magkaroon ng extrang pera para sa kanyang pag-aaral. Naisipan niyang ayain ang dalawa niyang kaibigan na noong una ay ayaw pa ng mga ito ngunit ng kalaunan ay sumubok din upang kahit papaano ay makasuporta sa pang-araw araw na buhay at dahil na rin sa pandemya.

Kwento ni Ken “First year college po nagwowork po ako pang part-time para po ano may pang pocket money. Tas inaaya ko na po kasi sila nun, hindi pa po sila agad sumama.Kumita lang po ako ng above minimum, okay na po. Kasi po ang pasok namin 7:30 to 12:30, tas pagkatapos po nun mag tatanghalian lang po ako sa bahay then bya-byahe na po ako,”

Mahirap ang kanilang pinagdaanan bilang mga working student sambit nga ni Gilrex; “So bumabyahe kami ng after class aalis kami sa bahay ng alas dose, ang uwi na rin namin niyan 12. So dalawang oras lang kami nakakatulog niyan. So papasok kami minsan, inaantok kami ganyan. Pero even though na inaantok kami, hindi namin pinapabayaan ‘yung pag-aaral namin. Aabsent lang kami halimbawa mag-eexam ‘yun, medyo nag nagkakapos po kami sa review,” Si Mark naman ay “Ako po minsan nag-eexam sa habang bumabyahe, naghihintay ng booking,”.

Sa kabilang banda suportado sila ng kanilang mga magulang sa kanilang ginagawang pagtratrabaho at pag-aaral ng sabay. “Okay lang po sa kanila kasi nakakatulong din po kasi kami. And sila rin po nung time ng pandemic is medyo nakikita rin po namin na sila medyo nahihirapan po,”

Ngayon taon nakapagtapos ang tatlo bilang BS Criminology sa Philippine College of Criminology at naghahanda na ang mga ito sa kanilang board exam bago matapos ang taon upang maging isang ganap na pulis kung makapasa sa nasabing pagsususlit.

Ito naman ang kanilang mga payo sa ibang nagnanais na tuparin ang kanilang pangarap at makapagtapos ng pag-aaral. “Kahit na nahihirapan man kami, hindi kami susuko kasi para maabot namin ‘yung mga pangarap namin,” sambit nit Gilrex

“Gusto rin po namin na ma-encourage ‘yung ibang estudyante na katulad namin na, kahit ganyan, mahirap ‘yung buhay dumaan ‘yung pandemic, is my way pa rin na para maitaguyod ‘yung pag-aaral tsaka pag tratrabaho,” ayon naman kay Mark.

Kaya sa mga taong patuloy na nangangarap, huwag nating hintuan ang mga ito patuloy lamang sa buhay at balang araw makakamtan nating lahat ng mga bagay na dating pangarap lang. {via}

70-anyos na Lolong mangangalakal ninakawan na, ngunit nakuha pa rin itulong ang kanyang natitirang P5 pesos na pera

0
70-anyos na Lolong mangangalakal ninakawan na, ngunit nakuha pa rin itulong ang kanyang natitirang P5 pesos na pera

Nakakatuwang isispin na kahit gaano man kahirap ang pinagdadaanan natin sa mundong ibabaw ay may ilan tao pa ring kahit na walang wala na ay patuloy pa rin tumutulong sa kapwa sa kanilang sariling pamamaraan. Hindi lahat ay ipinanganak ay may maayos o marangya pamumuhay tulad ng madalas natin makita sa lansangan na mangangalakal kung saan ito lamang ang kanilang ikinabubuhay.

Tulad ng isang nadaan ng isang good samaritan na si Sherwin Lim kung saan naitampok nito sa kanyang vlog ang isang matandang mangangalakal. Si lolo Lowie ay 70-anyos na at ang kanyang araw-araw na paglilibot sa kalsada upang mangolekta ng kalakal ay ang syang inaasahan ng kanyang pamilya upang makabili ng kanilang makakain sa araw-araw.

Sa pagtatanong ni Sherwin kay Lolo ay nabanggit pa ng matandan na ninakawan ito habang natutulog sa kalsada, nakakalungkot lamang isipin na sa isang tulad ni lolo na walang wala nagawa pang pagnakawan ng hindi nakikilalang kawatan. Ngunit sa isang banda may natira naman daw siyang barya o saktong limang piso. At sa kalagitnaan ng pagtatanong ni Sherwin naisipan niya itong subukan o tinatawag na social experiment.

Nagpanggap si Sherwin na wala ng gasolina at kailangan nitong magkarga ngunit kinulang ang kanyang pera, nakiusap kuno ang motovlogger na si Sherwin na baka may natitira pang pera si lolo upang madagdagan ang pangkarga nito. Walang atubiling iniabot ng matanda ang kanyang natitirang barya na siyang ikinamangha ni Sherwin.

Ang sabi pa ni Sherwin “Ninakawan na kana tapos binibigyan mo pa ako, ano ng matitira sayo? Baka mas kailangan mo to? May pambili ka pang pagkain?
“Kahit na mahirap kitain binigyan mo ako, so tutumbasan ko yun. Pag tumulong sa ka sa kapwa mo mas higit pa dun darating sayo,”

Sa mga simpleng tao na tulad ni Lolo Lowie ay tila nakakaantig sa damdamin na kung sino pa ang siyang nangangailan siya ang handang tumulong sa kapwa. Kaya naman kalaunan sinabihan ni Sherwin ang matanda na binibiro lamang niya at ibinalik ang barya ni lolo na siyang pinalitan ni Sherwin ng pera doble pa sa kikitain ng matanda sa pangangalakal araw-araw.

Sa huling paalaman sinabihan na lamang ni Sherwin si Lolo;
“Mag-iingat ka palagi Tay. Pagpalain ka ng Panginoon at wag kang tumigil maging mabuting tao”.

Umantig sa mga netizen ang karatulang ito ng isang Jeepney Driver, Para sa Walang-wala TY lang ok na.

0
Umantig sa mga netizen ang karatulang ito ng isang Jeepney Driver, Para sa Walang-wala TY lang ok na.

Sa panahon puno ng kahirapan at halos hindi magandang balita o pangyayari ang ating natutunghayan sa ating kapaligiran, nakakatuwang isipin na may mga tao pa rin kahit na sa munting pamamaraan ay gumagawa ng tulong para sa kanilang kapwa. Tunay nga nakakataba ng puso ang ganitong adhikain.

Ang makatulong sa munting pamamaraan ay hindi biro para sa taong hindi naman gaano karangya ang pamumuhay ngunit patuloy pa rin ang pagtulong sa kapwa. Alam naman natin na sobrang taas na ngayon ng mga bilihin at halos taon taon ay tumataas din ang presyo ng gasolina na siyang nagpapahirap pa lalo sa ating mga tsuper.

May mangilan ngilan na rin ang huminto sa pamamasada dahil sa hindi na sapat na kita, ngunit may ilan naman na patuloy pa rin nagtyatyaga upang kahit papaano makatsamba at kumita ng sapat. Kaya namana ng social media post ni Ian Macalanda ay umantig sa puso ng maraming netizen. Sa araw na iyon habang papuntang Divisoria si Ian may isang pumukaw sa kanyang atensyon na listahan ng pamasahe na nakapaskil sa likurang bahagi ng isang Jeepney driver.

Ang katagang “Para sa walang wala, TY lang OK na,” saad sa placard na isinulat ng drayber para sa mga pasahero ang siyang nagpaantig sa damdamin ni Ian. Ang jeepney driver ay kinilalang si Mike Kimuell 61-anyos at matagal ng jeepney driver. Ayon kay Mang Mike sa isang panayam sa kanya, masaya na umano siya na makatulong at sa kaunting pasasalamat lamang ay ginhawa na sa kalooban ang hatid nito.

Sa ngayon ang post ni Ian ay umabot na ng libong shares at samu’t saring komento’t papuri. Ayon pa kay Ian hindi naman niya intensyon na ipost ang lawaran ngunit mas minabuti niya maging inspirasyon si tatay sa karamihan. Bagamat naipost niya ito hindi naman akalain ni Ian na magviral ang nasabing larawan.

Ganunpaman nagpapasalamat pa rin si Ian sa mga nakapansin, dalangin niya na kapulutan ng aral ang ginagawang pagtulong ni Tatay Mike.

Aso pinoprotektahan ang kanyang batang amo kapag pinapagalitan ang kanyang nakakabatang amo, Lagi umano itong ipinagtatanggol sa ina nito

0
Aso pinoprotektahan ang kanyang batang amo kapag pinapagalitan ang kanyang nakakabatang amo, Lagi umano itong ipinagtatanggol sa ina nito

Marahil tunay nga na ang alagang aso ang tinaguriang man’s bestfriend, kahit saan man lupalop mundo ang katagang ito ay syang nakatatak sa isipan ng bawat pet lover. Kung minsan hindi natin maintindihan ngunit sa isang banda lalo pa at naranasan nating mag-alaga ng aso, saka na lamang natin maiintindihan ang mga bagay na ito.

Malaking tulong sa ating pamayanan ang pagkakaroon ng alagang aso lalo na sa ating bahay, nagsisilbi silang taga-aliw at rekomendasyon na rin ng mga eksperto upang mawala ang depresyon ng isang tao. Kaya naman may isang tagpo ang pumukaw ng atensyon sa mga netizen patungkol sa isang aso at amo nitong bata.

Makikita sa larawan na ang asong si Harry ay ipinagtatanggol ang bata sa nakakatandang amo na si Mrs. Sun kung saan pinapagalitan ito ngunit sa kilos ni Harry tila nagagalit ito sa ginagawa ng nanay sa bata. Nagsilbing tagapanggol ang aso ng batang musmos sa sinumang may masamang balak sa bata hindi lang sa ina nito.

Sa kinikilos ni Harry lubhang napakapanganib ng asta nito na siyang makikita sa mukha nito, sa kabilang banda kapag kaharap naman ang batang paslit ay parang inaamo pa nito at nakayakap pa nga sa munting bata.

Ang pagkakaroon ng asong tulad ni Harry ay maituturing na isang kayamanan lalo na sa isang pamilya. Ang sarap sa pakiramdam ng may aso kang parang tao kung umasta at parang isang miyembro na talaga ng pamilya. Kaya sa may mga alagang aso mahalin at pahalagahan natin sila. {via}

Ina dinadala sa paaralan ang kanyang sanggol na anak upang maipagpatuloy ang pag-aaral at makatapos

0
Ina dinadala sa paaralan ang kanyang sanggol na anak upang maipagpatuloy ang pag-aaral at makatapos

Iba ang pananaw ng ating kababayan pagdating sa edukasyon at iba-iba din ang prinsipyo ng ilan patungkol dito. Marahil sa mga panahong ito na marami na sa ating mga kababayan ang hindi na dumaan sa edukasyon o hindi nakatapos ngunit naging matagumpay sa buhay.

Larawan mula kay Ira Baldonaza

Ngunit kung ating titingnan isa pa rin ang edukasyon sa maituturing na pundasyon upang umasenso sa buhay, lalo na sa ating kultura kung saan ating nakamulatan na ang edukasyon ay kayamanang maipapamana ng ating mga magulang. Ano-anuman ang dahilan ng iilan sa atin ay hindi na nakakapagpatuloy sa pag-aaral, una na dyan ang dahilan ay kakapusan sa pera.

Larawan mula kay Ira Baldonaza

Kaya naman ang kwento ng isang ina na si Ira Lectana Baldonaza na nasa 36-anyos na ay piniling makatapos kahit na may katandaan na at kinukutyat ng ilan dahil sa kanyang edad. Kumuha si Ira ng kursong Elementary Education sa Eastern Samar State University Can-Avid campus. Ngunit ng siya ay nasa ikaapat na taon na, sa di inaasahan nabuntis ito ganunpaman hindi ito nawalan pag-asa na ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral.

Larawan mula kay Ira Baldonaza
Larawan mula kay Ira Baldonaza

Sa hindi inaasahan ang sanggol ay may kondisyong G6PD deficient isang kondisyon na maaaring mauwi sa Anemia kung mali ang mga pagkain at gamot na maipainom dito. Kaya naman sa pahintulot ng paaralan minabuti na ni Ira na dalhin at isama sa kanilang campus ang bata.

Larawan mula kay Ira Baldonaza

Mahirap man ang napagdaanan ni Ira napagtagumpayan niya ito sa tulong ng kanyang mga kaibigan, guro at kaanak nito. Kaya naman laking pasasalamat niya sa mga taong tumulong hanggang makaraos ito ng kanyang pag-aaral. Sa ngayon kumuha si Ira ng Basic English course sa TESDA.

“I didn’t expect na mag-viral [ito]. Ang sa akin lang, ‘yung tuwa na makasama anak ko sa graduation pictorial namin. Sana madami pang ma-inspire sa story ko, at they too [can] continue to reach for their dreams kahit madaming pagsubok,” -dagdag pa ni Ira.

Pumukaw ng atensyon ang pagtulong ng isang ina sa kanyang anak habang nasa nagtratrabaho ito sa isang fastfood bilang service crew

0
Pumukaw ng atensyon ang pagtulong ng isang ina sa kanyang anak habang nasa nagtratrabaho ito sa isang fastfood bilang service crew

Kasabihan na hindi matitiis ng isang ina ang kanyang anak ngunit ang anak matitiis ang kanyang ina o magulang. Sadyang ang puso ng pagiging ina ay nakakabit na sa anak kahit pa ito ay nag-asawa na o may sarili na itong buhay. Mas lalo pa kayang hindi kayang tiisin ng isang ina na makitang nahihirapan ang kanyang anak.

Larawan mula kay Rubie Lyn Mendoza

Tiyak na gagawa at gagawa ito ng paraan para mapagbigyan o matulungan ang kanyang anak. Kadalasan hindi mo makikitang nagrereklamo ang isang ina, patuloy lamang ito gagawa hangga’t makakaya nito. Ang pagiging ina ay hindi mapapatid hanggang sa huling hininga nito.

Larawan mula kay Rubie Lyn Mendoza

Tulad ng isang tagpong ito na umantig sa puso ng mga netizen patungkol sa pagtulong ng isang ina sa kanyang anak habang nasa trabaho ito. Kuha ang mga lawaran mula sa post ni Rubie Lyn Mendoza na kapatid ni Jann ang babaeng nagtratrabaho sa nasabing fastfood.

Larawan mula kay Rubie Lyn Mendoza

Kasama ni Rubie ang  kanilang nanay na si Aling Emilia ng mga araw na iyon upang bisitahin o makita lamang ang anak sa fastfood na pinapasukan nito. Ngunit nagkataon na maraming tao ng panahon na iyon kaya naman napaka busy ni Jann ang kapatid Rubie. Ayon pa kay Rubie umorder naman sila ng pagkain upang sa nasabing fastfood na rin maibsan ang kanilang gutom.

Larawan mula kay Rubie Lyn Mendoza

Ngunit kalaunan walang kaabog-abog na makita ni Rubie na ang kanyang ina ay nagliligpit ng pinagkainan sa kabilang lamesa kung saan maraming kalat ng costumer ang naiwan. Kinuhanan ni Rubie ang ina dahil nahabag ito sa kinilos ng kanilang nanay. Kung makikita ninyo sa larawan talagang kumikilos ay tumutulong ang kanilang ina habang ang anak nitong nagtratrabaho ay nasa di kalayuan at ginagawa din ang trabaho nito.

Kaya sa mga anak matuto tayong pahalagahan at mahalin ang ating ina, sa simula ng isilang tayo at nagkamalay sa mundong ating ginagalawan ay mananatili ang pagmamahal ng isang ina sa kanyang anak.

error: Content is protected !!