Home Blog Page 6

91-anyos Lolo tinaguriang Model Student of the Year matapos makapagtapos sa Senior High

0
91-anyos Lolo tinaguriang Model Student of the Year matapos makapagtapos sa Senior High

Walang pinipiling edad ang edukasyon kung nanaisin mong makapag-aral at makapagtapos kahit anong edad mo magagawa mo ito, samahan mo lamang ng dedikasyon, sipag at tyaga. Kaya naman sa lugar ng Balbalayang, San Gabriel La Union isang matanda sa edad na 91-anyos ay nakapagtapos pa ng senior high at tinagurian pang “Model Student of the Year”.

Larawan mula kay Femie Aligo Apola | Facebook

Siya si Lolo Federico Bentayen o mas kilala sa bansag na Lolo Pedring, ay nakapagtapos ng Senior High School sa Balbalayang National High School. Si Lolo Pedring ay kinakitaan ng magandang halimbawa bilang mag-aaral bagama’t may katandaan na hindi ito sumuko upang makamit ang pangarap na makapagtapos ng Senior High.

Larawan mula kay Femie Aligo Apola | Facebook

Ayon sa kanyang guro si Lolo Pedring ay nahinto ng pag-aaral noon dahil mas pinili nitong tustusan ang pangangailangan ng kanyang pamilya at gayun din upang mapag-aral ang anim nitong anak. Ngunit isang pagkakataon ang muli dumating sa buhay ni Lolo at hindi na nito pinakawalan pa. Sa pamamagitan ng programang ALS o Alternative Learning System ng ating gobyerno, sa edad na 88 taon ni Lolo ay tinuloy niya ang pag-aaral.

Larawan mula kay Femie Aligo Apola | Facebook

Mahaba-haba man ang tinahak na landas ni Lolo upang makamit ang minitmithing pagtatapos, hindi ito nawalan ng pag-asa upang makamit ang pagtatapos niya. Sa araw ng kanyang pagtatapos kasama nitong umakyat ng entablado ang kanyang anak na babae upang tanggapin ang diploma ni Lolo.

Larawan mula kay Femie Aligo Apola | Facebook

Bagama’t may katandaan na si Lolo hindi ito naging hadlang upang magpatuloy siya sa nais niyang pangarap, matapos pa nga ang pag-akyat nito nabigyan pa siya ng pagkakataon magsalita upang magbahagi ng inspirasyon sa mga kabataan na naliligaw ng landas.

Larawan mula kay Femie Aligo Apola | Facebook

Naging matunog sa social media ang pagtatapos ni Lolo Pedring kaya naman umani ito ng magagandang komento at papuri buhat sa mga netizens.

Ama nagulat ng biglang sabitan ng kanyang anak ng medalya habang ito ay nasa trabaho

0
Ama nagulat ng biglang sabitan ng kanyang anak ng medalya habang ito ay nasa trabaho

Ngayong bukas na muli sa publiko ang magdaos ng face to face ceremony tulad ng graduation day. Marami sa kabataan ang sobrang galak at excited sa isa sa mahalagang araw nila bilang mag-aaral. Nito lamang isang nagdaang araw may video ang umagaw pansin sa mga netizen patungkol sa isang ama at anak.

Ang video mula kay Sheila Bartolaba Rebayla, makikita sa nasabing video na araw ng pagtatapos ni Sheila ngunit ang kanyang amang si Leonardo Rebayla ay hindi nakadalo dito, marahil sa trabaho nito bilang construction worker sa isang site. Kaya naman imbes na si Mang Leo ang makapunta sa nasabing graduation, si Shiela na umano ang nagtungo sa lugar ng pinagtratrabahuhan ng ama.

Larawan mula kay Sheila Bartolaba Rebayla | facebook
Larawan mula kay Sheila Bartolaba Rebayla | facebook

Saktong naglilinis si Mang Leo ng mamamataan ito ng anak at laking gulat ng butihing ama ng bigla na lamang ito sabitan ng medalya ng kanyang anak. Sa pagkakataong iyon gulat na gulat ang si Mang Leo marahil sa pagkakabigla ngunit nang kalaunan ay napayakap pa ito sa kanyang anak at napasayaw pa sa tuwa.

Larawan mula kay Sheila Bartolaba Rebayla | facebook

Ito ang isang paraan ni Sheila Bartolaba Rebayla upang maipakita ang pagmamahal at pagmamalaki niya sa kanyang ama. Sa sakripisyo ng kanyang ama upang sila ay mapag-aral sa kabila ng hirap ng buhay ay ito na siguro ang isang magandang regalo matatanggap ni Mang Leo at ng kahit sinumang magulang.

Larawan mula kay Sheila Bartolaba Rebayla | facebook
Larawan mula kay Sheila Bartolaba Rebayla | facebook

Sa hirap ng dinadanas ng ating mundo sa araw-araw hindi malabong minsan maisipan mo na lamang sumuko, sa kabilang banda nakakabilib ang mga tulad ni Mang Leo at Shiela dahil patuloy ang kanilang laban sa buhay na siyang nagsisilbing halimbawa sa karamihan. {via}

Napabilib ang mga netizen sa batang hindi ikinahiya ang kanyang ama anuman ang itsura at katayuan nito sa araw ng pagtatapos nito

0
Napabilib ang mga netizen sa batang hindi ikinahiya ang kanyang ama anuman ang itsura at katayuan nito sa araw ng pagtatapos nito

Ang makapagtapos ng pag-aaral ang mga anak ay isang napakalaking kayamanan na
maituturing ng isang magulang, bagay na hindi matutumbasan g kahit anong
materyal na bagay sa ating mundo. Matapos ang pandemya a dinanas ng büong
mundo, panation na naman n muling magkadaupang palad ang kapwa mag-aaral at
sa mga magtatapos muling pagtapak sa entablado ang buwan ito.

Guillerma Idias

Kamakailan umagaw ng atensyon ang isang social media post g isang mag-aaral na
si Guillerma Idias mula Dalaguete Cebu, dahil sa larawan makikita kung gaano it ka
proud sa kanyang ama at hindi na alintana kung anuman ang itsura at panananit nito.

Guillerma Idias

Sa isang magulang ang pagkakaroon g isang anak na tulad ni Guill ay kayamanan ng
maituturing bukod sa napakabait na bata, aninag mo sa kanyang katauhan ang lubos
na pagmamamhal sa kanyang magulang. Anya ang kanyang amäng si Florentino Idias
ay isang magsasaka at construction worker. Kagagaling lamang ng kanyang ama sa
trabaho kaya naman kung makikita sa lawaran ay pawis na pawis ito at hindi na
nakapagpalit pa ng damit. Nais makadalo ni Florentino sa graduation day ng kanyang
anak kaya nagmamadali na ito.

Guillerma Idias

Nang mamataan naman ni Guill ang kanyang ama agad nitong niyaya ang ama na
magpakuha ng larawan, nung una tumatanggi pa umano ang ama ngunit sa
kagustuhan na rin mapagbigyan ang anak napapayag na rin ito. At ito nga larawan na
kumalat online na siyang umani ng maraming papuri sa mag-ama. Si Guillerma Idias ay
nagtapos sa kanyang senior high at para sa kanyan kailanman ay hindi niya ikinakiya
ang kanyang ama bagkus sobra niya itong ipinagmamalaki sa kabila ng hirap sa buhay
ginagapang nito ang kanyang pag-aara at pangangailangan sa araw-araw.

Guillerma Idias

Samantala maraming netizen ang nahabag ang damdamin sa kabutihan ni Guill, sa
panahon ngayon hindi lahat ng anak ay tulad niya. Papuri at magagandang komento
mula sa mga netizen ang natanggap ng mag-ama.

Tuloy ang pagpadyak ng isang pedicab driver na may kapansanan sa kabila ng aksidente na nangyari sa kanya

0
Tuloy ang pagpadyak ng isang pedicab driver na may kapansanan sa kabila ng aksidente na nangyari sa kanya

Mahirap kumita ng pera sa panahon ngayon lalo na kung ikaw ay isinilang na dukha at walang wala , baka malamang isa kana rin sa sumuko sa hamon ng buhay. Sa ngayon unti mo baryang kusing ay mahalaga, kaya naman bawat kitain ay kailangan maigasta ng tama.

Kuha ni Bayan Patroller Sid Samaniego | Facebook

Sa isang bayan ng Cavite may isang nagsisilbing inspirasyon na pedicab driver na nagngangalang Zosimo Cabuong Jr 35-anyos at naninirahan sa Pugeda St. Brgy Kanluran, Rosario, Cavite. Si Zosimo ay mas kilala sa tawag na “Tepart”, ang kanyang kalagayan ay nagsisilbing inspirasyon sa karamihan lalo ng maitapok ito sa programa ng ABS CBN na Bayan mo, Ipatrol Mo.

Kuha ni Bayan Patroller Sid Samaniego | Facebook

Si Tepart ay putol ang isang binti ngunit sa kabila ng kanyang kondisyon patuloy pa rin itong lumalaban sa hamon ng buhay. Ayon sa istorya ni Tepart natamo niya ang pagkaputol ng isang niyang binti sa aksidenteng kanyang kinasangkutan. Noong Oktubre 29, 2014 naipit ng bakal ang kanyang binti habang nagtatrabaho bilang pahinante ng trak ng basura sa Quezon City at dahil malala ang natamong tama kinakailangan itong putulin.

Kuha ni Bayan Patroller Sid Samaniego | Facebook

Nang panahon na iyon ay buntis pa ang kanyang misis at siya ang nag-aalaga sa kanilang 6-anyos na taong gulang na anak, pati na rin sa kanyang 86-anyos na lola na may iniinda na ring karamdaman. Kahit masalimuot ang pangyayaring naganap mas pinili ni Tepart na lumaban at magpatuloy sa buhay. Matapos ang aksidente pedicab na ang kanyang naging hanap buhay kung saan kumikita siya ng 200 kada araw depende pa ito sa dami ng byahe niya.

Kuha ni Bayan Patroller Sid Samaniego | Facebook

Sa ngayon ang tanging pangarap lamang ni Tepart ay magkaroon ng artificial na paa o kaya naman ay electric bike na may sidecar, kung saan makakatulong ito sa hirap niyang magpadyak. Dagdag pa niya na patuloy lang manalangin at magpatuloy sa kabila ng hamon ng buhay at tutulungan tayo ng Diyos na makayanan ang lahat.

Ibang mindset mayroon si Tepart na bihira mong makikitaan sa tulad niyang may kapansanan, kaya naman ang mga netizen ay lalong napabilib sa kanya.

Kuhang lawaran ng isang ina na tila ipinagmamalaki ang kanyang anak sa pagtatapos nito, umani ng maramdaming reaksyon mula sa mga netizen

0
Kuhang lawaran ng isang ina na tila ipinagmamalaki ang kanyang anak sa pagtatapos nito, umani ng maramdaming reaksyon mula sa mga netizen

Wala ng hihigit pa sa kasiyang mararamdaman ng isang magulang kung makikita nitong magtatapos ang kanilang anak sa pag-aaral. Kasabihan nga nang maraming magulang “Anak ang edukasyon lamang ang maipapamana ko sa’yo, kaya magtapos ka ng pag-aaral mo”. Mga katagang palagi mong maririnig sa iyong magulang dahil para sa kanila wala man malaking halaga o bagay na maipapamana sa anak, sapat na ang mabigyan ang mga ito ng tamang edukasyon na siyang magagamit sa pagdating ng araw.

Mark Bonnie Salado Wata | Facebook

Sa isang graduation album post sa social media ni Mark Bonnie Salado Wata mababatid ang isang halimbawa ng isang magulang na labis ang kasiyahan sa pagtatapos ng kanyang anak. Pumukaw ng atensyon ang isang larawan na mula kay Mark kung saan kuha nila ito ng kanyang ina habang nasa araw ng pagtatapos ang binata.

Mark Bonnie Salado Wata | Facebook

Mababanaag sa nasabing candid shot ang isang ina na tila ba hindi masambit ang labis na kasiyahang namumutawi sa kanyang puso. Nakatitig sa kanyang anak habang ang binata ay abot ang ngiti waring sayang-saya sa araw na ding iyon. Si nanay na halos masayang masaya sa kaganapan para sa kanyang anak na si Mark.

Mark Bonnie Salado Wata | Facebook

Sobrang proud na ina sa kanyang anak, ito na rin ang isa pagsasalarawan na ang pagmamahal ng isang ina sa kanyang anak ay wagas at tila walang kapantay. Maraming netizen ang nagpahatid ng papuri at nakakainspirang mensahe sa post ni Mark.

Mark Bonnie Salado Wata | Facebook

Marahil ang larawang ito ay naghatid din ng mensahe sa maraming kabataan na dapat mag-aral tayo ng mabuti dahil ito ay isa sa kayamanan hindi kailanman mananakaw sa atin. At sa araw ng pagtatapos natin sa paaralan, isa na ito sa regalong maibibigay natin sa ating mga magulang mula sa kanilang mga sakripisyo sa atin.

May kapansanan nagtapos bilang Cum Laude minsan ng sinabihan “Sinasabi nila, ‘Bakit pa ako nag-aral?’”

0
May kapansanan nagtapos bilang Cum Laude minsan ng sinabihan “Sinasabi nila, ‘Bakit pa ako nag-aral?’”

Sa mundong ating ginagalawan na puno ng panghuhusga kadalasan kung sino pa ang kumpleto sa pangangatawan sila pa yung mapagngutya sa kapwa, hindi naman sa nilalahat ngunit ito ang reyalidad ng buhay kaya naman kung mahina ang iyong loob mapapaluha kana lamang at mawawalan ng pag-asa magpatuloy pa.

Ngunit ibahin mo ang batang si Grace Anne “Grasya” Villamor Cadosales, 22-anyos kahit na may kapansan o isang siyang Person with Disability (PWD) hindi niya hinayaang pakawalan ang kanyang pangarap na makapagtapos ng pag-aaral. Sa kanyang pagsisikap at pagtitiyaga nakamit pa nito ang pagtatapos ng may mataas na karangalan bilang isa Cum Laude sa kursong Information Technology sa Perpetual Help College of Pangasinan.

Kwento ni Grace sa isang panayam sa kanya siya ay may orthopedic disability na kanyang natamo noong ipinagbubuntis pa lamang siya ng kanyang ina. Dagdag pa niya tatlong beses umano siyang naglabas pasok sa tiyan ng kanyang ina dahil sa suhi nga si Grace at noong mga oras na iyon ay wala pang doktor na tumitingin sa kanila.

Bata pa lamang si Grace ay alam na nito na kakaiba siya sa ibang nakakasalamuha niya ngunit ganun pa man tanggap niya ang kanyang kalagayan. Nakaranas din siya ng pangungutya ng kapwa mag-aaral at ilang mga magulang. Saad pa niya “May na-encounter akong mga grupo no’n ng mga magulang na sinasabi nila, ‘bakit pa ako nag aral,’ ‘baka maging pabigat lang ako at maapektuhan ang klase.’’’

Hindi rin umano bumitaw si Grace sa bible verse na ito “Sabi nga po sa Philippians 4:13, ‘I can do all things through Christ who strengthens me.’”

Sa ngayon ang plano ni Grace ay: “Next goal ko po is makatulong po sa magulang, maibalik ko po kahit papaano lahat po ng sakripisyo po nila sa akin. “And waiting po sa susunod na gustong ipagawa at plano ni Lord sa buhay ko po.”

Mahirap man ang pinagdaanan ni Grace sa huli nakamit naman niya ang kanyang pinapangarap, kung minsan magtataka ka na lamang kung bakit ang tulad ni Grace ay nagawa ang mga bagay na imposible pero ang ilang kababayan nating normal ay hindi. Nakakalungkot lamang isipin,.

Pagtitinda ng sampaguita ang naging daan sa isang estudyanteng katutubo upang makapagtapos ito ng pag-aaral at maging Magna Cum Laude

0
Pagtitinda ng sampaguita ang naging daan sa isang estudyanteng katutubo upang makapagtapos ito ng pag-aaral at maging Magna Cum Laude

Ano man ang estado mo sa buhay hindi ito magiging hadlang upang abutin ang iyong pangarap, kumilos at galawan ang minimithi mo sa buhay. Sa tamang panahon ipagkakaloob at makakamit mo ang iyong pangarap. Maging mayaman o mahirap ka man, puti o itim ang balat o maging katutubo man ang lahi mo walang makakapigil sa iyo sa bawat hakbang na gagawin mo.

Kaya naman nagbigay ng inspirasyon sa nakakarami ang isang katutubong tindera ng bulaklak mula sa Bacolod City na nagtapos ng may mataas na karangalan sa kanilang paaralan. Si Nelly Ambrocio ay nagtapos sa kursong BS Agriculture at bilang magna cum laude sa Catholic Ming Yuan College (CMYC) sa Murcia, Negros Occidental nitong Mayo.

larawan mula kay Nelly Ambrocio

Sa kanilang lugar kung saan pangunahing ikinabubuhay ang pagsasaka at Kabilang si Nelly mga katutubong grupo o indigenous people ng Bukidnon community sa Negros Occidental. Kwento ni Nelly mula sa isang panayam pinagkakakitaan nila ang kanilang tanim na chrysanthemum mula sa ancestral land. Katuwang ang kanyang mga magulang ibenebenta nila ang nasabing pananim, magtutungo sa St. John the Baptist Parish Church at ibebenta ang mga bulaklak hanggang linggo ng umaga.

larawan mula kay Nelly Ambrocio

Sa araw ng pagbebenta ng mga bulaklak ay kumikita lamang sila ng isang libo at limang daan hanggang dalawang libo, sapat lamang ito upang matustusan ang mga pangunahing pangangailan nilang pamilya. Sa tulong din ng local govertment nabigyan ang ilan sa katulad niyang kapos ng full scholarship sa kursong agrikultura.

larawan mula kay Nelly Ambrocio

Kaya kung isa ka sa nakakaramdam ng paghihirap ngayon at nawawalan ng pag-asa sa buhay ituloy mo lamang na maging positibo at magpatuloy sa iyong pangarap.

Nabigla ang lahat sa isang masayang kasalan sa simbahan ng ibunyag ito ng Pari

0
Nabigla ang lahat sa isang masayang kasalan sa simbahan ng ibunyag ito ng Pari

Ang kasal ay isang seremonya kung saan ang isang babae at isang lalaki ay pinagsasama sa ngalan ng batas at ng simbahan. Karaniwan na bago ang isang kasal mayroong mga seminar na kailangan puntahan ng mga ikakasal upang sila ay maihanda sa pagpapamilya at sa tunay na kahulugan ng kasal. Dito sa Pilipinas, wala pang diboryso, na syang kasalungat naman ng kasal. Sa Pilipinas din ang kasal ay isang ritual na laging kasama ang mga komunidad.

Larawan ni Marlon and Ken Loyce Panaligan

Sa isang bayan ng Lipa City Batangas nagkaroon ng masayang kasalan kung saan ito ang araw na mag-iisang dibdib sina Mr. and Mrs. Marlon and Ken Loyce Panaligan at tumatayong pari noon ay si Fr. Rodem Ramos. Tunay nga, na ang pagpapakasal ay dapat kapulutan ng aral, hindi lamang dahil sa gusto ninyong mag-asawa bagkus dahil sa pinili ninyong magmahalan at magkasama hanggang sa huli.

Larawan ni Marlon and Ken Loyce Panaligan

Sa pangunguna ni Fr. Rodem Ramos, sa magpapakasal na sina Marlon and Ken Loyce Panaligan ay ginulat nito ang dalawa at ang ilang taong saksi sa kanilang pag-iisang dibdib. Halos hindi makapaniwala ang lahat sa rebelasyon ni Father. Kwento ni Fr. Rodem Ramos bago pa man nagkita at magkakilala ang dalawa sa taong 2017 ay sinabi ni Father na hindi ito ang una nilang pagkikita, bagkus nagkita na ito taong 2000 kung saan si Father din mismo ang nagsagawa ng seremonya. Ikinagulat ito ng saksi at ilan sa mga nakakaalam nito.

Ayon sa Facebook page ng Parish of Sto.Niño de Lipa

“𝗦𝗢𝗕𝗥𝗔𝗡𝗚 𝗦𝗔𝗬𝗔 𝗻𝗴 𝗸𝗮𝘀𝗮𝗹 𝗸𝗮𝗻𝗶𝗻𝗮!” “Noong tinanong ni Father kung kailan sila unang nagkita ay sumagot agad ang dalawa ng ‘𝗡𝗢𝗩𝗘𝗠𝗕𝗘𝗥 𝟰, 𝟮𝟬𝟭𝟳’ po. Biglang sinabi ni Father na HINDI TOTOO!” “BAKIT??? Sapagkat hindi totoo na 2017 lang sila nagkita kasi base sa kanilang 𝗕𝗔𝗣𝗧𝗜𝗦𝗠𝗔𝗟 𝗖𝗘𝗥𝗧𝗜𝗙𝗜𝗖𝗔𝗧𝗘, 𝗡𝗢𝗩𝗘𝗠𝗕𝗘𝗥 𝟰, 𝟮𝟬𝟬𝟬 sila sabay na nabinyagan ni Fr. Rodem Ramos!”

“Ang GALING talaga ng timing ng DIYOS!”

Estudyante pinigilang umakyat sa entablado sa araw ng kanilang Pagtatapos, Nanay nadismaya sa paaralan

0
Estudyante pinigilang umakyat sa entablado sa araw ng kanilang Pagtatapos, Nanay nadismaya sa paaralan

Isa sa pinakamasayang araw natin ang pagtatapos sa ating paaralan, ito ang nagsisilbing batayan na makaraos sa hirap at mga pagsubok na naranasan natin bilang mag-aaral. Ngunit naging kakaiba ang kwento sa isang mag-aaral ng Lorma Colleges La Union na si John Marcelino Rosaldo. Sa araw ng kanyang pag-akyat ng entablado bilang estudyante sa kursong nursing ay pinigilan itong makapag-martsa dahilan upang sumama ang kalooban ng kanyang ina at mga kapatid.

Sa Tiktok viral video nagpahayag ng pagkadismaya ang kapatid ni John Marcelino Rosaldo na si Celene Rosaldo, ibinahagi nito ang pagkainis sa nasabing pangyayaring naranasan ng kanyang kapatid. Makikita sa video na walang diploma na hawak ang kanyang kapatid dahil nga sa pagpigil ng paaralan na makaakyat ito sa entablado kahit na nakabayad na ito sa nasabing graduation fee ayon kay Celene. Ang video na may caption na “Di naman masakit” ay umabot na sa pitong milyong views at ang isang video naman kung saan napaiyak na lamang ang kanilang ina ay nasa limang milyong views na sa kasalukuyan.

Larawan mula kay Celene Rosaldo

Mas lubos naman nasaktan ang kanilang ina dahil sa masayang itong tumungo sa graduation ng kanyang anak ngunit pagkadismaya lamang ang kakahantungan ng lahat. Saad pa ni Celene “Ang pinaka-masakit po dun ay yung itsura ng nanay ko po na kitang-kita niya na yung anak niya na pinull out sa line papuntang stage upang i-receive sana yung diploma,”.

Larawan mula kay Celene Rosaldo
@cyrosaldo He has already paid his grad fee the day before his grad but the school didn’t confirm his payment. That’s the fvcked up part. #fypシ ♬ Chasing pavements – Ashrianna

Bagamat ganun na nga ang kinahitnan ng pangyayari, nagbahagi pa rin si Celene ng imahe ng kanyang kapatid na may hawak na diploma ngunit hiniram lamang ito para naman kahit papaano hindi masayang ang bibihirang pagkakataon sa araw ng pagtatapos ni John. Samantala ipinakita din ni Celene ang larawan na nagpapatunay na ang kanyang kapatid ay nakapagbayad bago pa man ang ginanap na graduation.

Larawan mula kay Celene Rosaldo
Larawan mula kay Celene Rosaldo
@cyrosaldo Bawi nalang next life🙃. #fyp #graduation #grad #nursing #sad #depressed #patiwakal #charot ♬ FRAN VASILIĆ ON SPOTIFY – Fran Vasilić

Hindi man naging maganda ang araw ng graduation ni John, umani pa rin ito ng pagbati at papuri sa mga netizen. Ayon naman sa isang pahayagan nagpa-abot sila ng paghingi sa panig ng paaralan patungkol sa viral video, ngunit wala pang tugon ang mga ito.

{via}

Tindera ng Gulay noon at umaasa lamang sa 4Ps ng ating gobyerno, isang na ng matagumpay na busineswoman ngayon at kumikita ng 50K kada linggo dahil sa ginawa niyang ito

0
Tindera ng Gulay noon at umaasa lamang sa 4Ps ng ating gobyerno, isang na ng matagumpay na busineswoman ngayon at kumikita ng 50K kada linggo dahil sa ginawa niyang ito

Marami sa atin madalas susuko na lamang kapag nakadama ng hirap sa buhay, mabilis mapanghinaan ng loob lalo na kung hikaos na maituturing. Hindi naman natin masisisi ang ilan sa mga kababayan natin kung pagsuko agad ang kanilang nagiging solusyon sa bawat suliranin na kakaharapin sa buhay.

Kung marami sa ating kababayan ang madaling mapanghinaan ng loob ibahin ninyo ang kwento ng isang dating tindera ng gulay at 4P’s member na si aling Miguelina Villasor 54-anyos na taga Barangay La Union sa San Remigio, Antique. Bagaman aminado si aling Miguelina sa hirap na pinagdaanan sa buhay ito ang naging sandigan niya upang makaahon at mapagtapos ang kanyang dalawang anak sa pag-aaral habang ang iba ay patuloy sa pag-aaral.

larawan mula kay Miguelina Villasor

Paglalahad ni Aling Miguelina sa panayam sa kanya ng isang programa, siya ay isang tindera lamang ng gulay at prutas sa palengke ng Sibalom, helper naman sa bukid ang kanyang mister,at kung minsan umeekstra din sa mga iba’t ibang trabaho. Kwento ni aling Miguelina taong 2012 ng matanggap sila sa programa ng ating gobyerno na Pantawid Pamilyang Pilipino Program o kilala sa tawag na 4Ps. May isang Department of Social Welfare and Development ang naka assign sa kanila na siyang nakapansin at nanghinayang kung bakit tinatapon lamang ni aling Miguelina ang turmeric kapag hindi nabenta.

larawan mula kay Miguelina Villasor

Sa tagpong iyon napagsabihan si aling Miguelina patungkol sa dulot na benepisyo ng turmeric sa ating katawan, kaya naman hindi na nag-aksaya ng oras si aling Miguelina at sa taong 2013, nag-aral siyang magproseso ng turmeric sa tulong ng Sustainable Livelihood Program (SLP) ng DSWD kung saan pinagkalooban siya ng puhunang PHP10,000. At dito na nga nag-umpisa ang lahat, paglaon ay nagkaroon ito ng sariling label ng kanyang turmeric products.

larawan mula kay Miguelina Villasor

Anya “Nagsimula akong magproseso ng 20 packs na may timbang na 100 grams ng turmeric kada linggo. “Noong umpisa, kada linggo kumikita ako ng PHP2,000.” Hanggang sa naglaon nagkaroon pa siya ng tinatawag na turgin na ang sangkap ay pinaghalong turmeric at ginger. Nagustuhan din naman ng mga tao ang turgin at may bumibili sa mga ito.

Di naglaon ang dating 20 packs ngayon ay 100 packs na kada linggo at umaabot na sa 35K hanggang sa 50K ang kinikita niya kada linggo. Dagdag pa niya “Dito lang talaga namin kinukuha ang pampaaral sa aming mga anak. Sa benta ng turmeric at turgin sa palengke.

larawan mula kay Miguelina Villasor

“Yung panganay ko, graduate na ng civil engineering at yung sumunod naman graduate ng electrical engineering. Mga nagtatrabaho na.”

“Yung pangarap ng aming mga anak na makatapos ng pag-aaral ang naging dahilan kaya nagsipag kaming mag-asawa.

“Nagpapasalamat din kami sa tulong ng gobyerno. Pinagsikapan naming sumunod sa mga kondisyon ng Pantawid Pamilya Program, at tiniyak naming nag-aaral na mabuti ang aming mga anak.”

Hindi naman naging madamot si Miguelina bagkus itinuturo niya ang kanyang kaalaman sa kanyang mga kapitbahay kung paano gumawa ng turmeric tea at siya din mismo ang bumibili sa mga tanim na turmeric sa kanilang lugar. Dahil sa husay at pagiging inspirasyon sa nakakarami, binigyan parangal si aling Miguelina at ang kanyang pamilya ng DSWD bilang Huwarang Pantawid Pamilya (provincial level) noong 2017.

Nakakatuwang isipin na kabila ng hirap ng pinagdaanan ni Miguelina ay hindi nito sinukuan ang pangarap na naging gasolina para magsikap at mapagtapos ang kanyang mga anak.

Proud na ibinahagi ng isang anak ang nanay niyang isa ng ganap ng Registered Nurse sa edad na 55-anyos

0
Proud na ibinahagi ng isang anak ang nanay niyang isa ng ganap ng Registered Nurse sa edad na 55-anyos

Pangarap na hindi sinukuan, natural na mapagod pero magpapahinga lang pero never susuko sa pinangarap na maging. Marahil ito ang salitang maaring idikit sa isang inang napagod at nagpahinga ngunit muling binalikan ang pangarap at sa kalaunan ay nakamit na ito.

Ang kwento ng isang nanay na sa kanyang edad na 55-taon gulang ay nakapasa sa licensure exam at ngayon ay ganap ng RN o registered nurse. Kilalanin natin si Jean Billones Corillo at ang kanyang naging istorya kung paano inabot ng ganun katagal para maging isang ganap itong nurse.

Larawan mula kay Anne Franceine Jean Corillo | Facebook

Ibinahagi ng proud daughter na si Anne Franceine Corillo sa socialmedia ang tagumpay ng kanyang ina. Kwento ni Anne 30 taon ang inabot bago makuha ng kanyang ina ang pangarap na maging isang ganap na nurse. Graduate sa kursong nursing ang kanyang ina tulad niya. Ngunit taong 2006 matapos ang ikalimang kabiguan sa licensure exam hindi na umano ipinagpatuloy ni Jean ang inaasamasam na pangarap.

Larawan mula kay Anne Franceine Jean Corillo | Facebook

Huminto ito at sinabi sa sarili na baka hindi para sa kanya ang bagay na ito, kaya naman minabuti niyang itigil na lamang ito at mag focus na lamang sa itinayo nitong tindahan. At dahil na rin malaki noon ang gastos sa mga pagrereview sa pagkuha ng pagsusulit minarapat na lamang ni Jean na hindi na ito ituloy. Sa mahabang panahon hindi na rin umano naisipan pang balikan ni Jean ang pagrereview dahil na rin sa mga anak at bunsong anak na nag-aaral din ng nursing sa kasalukuyan.

Larawan mula kay Anne Franceine Jean Corillo | Facebook

Ngunit laking gulat ni Jean ng tanungin muli ito ng kanyang anak na si Anne na isa ring nurse sa ibang bansa. Sasagutin ng kanyang anak ang mga gastusin sa pagkuha nito ng exam, hindi na nagdalawang isip si Jean sa sinabi ng anak agad nitong inasikaso ang nasabing pagrereview.

Kalaunan sa madaling salita nito lamang Mayo 2022 nakuha na Jean ang minimithing pangarap na maging isang ganap na nurse. Matapos ang anim na take sa exam at sa mahabang panahon na pag-iintay, nakamit din ni Jean. Hindi man agad-agad nakuha din ito sa tamang panahon. Marahil may purpose ang Diyos kaya nangyari ang mga bagay na ito.

Samantala silipin ang galak na galak na post ni Anne sa socmed kung saan umabot na sampung libo ang nagbahagi ng kanyang istorya at libong reaksyon mula sa mga netizens na nakabasa sa kanyang istorya;

“I grew up seeing my nanay fail several times. I grew up knowing my numbers well. I knew it by heart. Seventy five is a pass. Below that is a fail. Maybe that’s the reason why I always strive to excel in my academics. Excellence means I get line of 9s. I used to wonder when I was little, “Pwedi ihatag ko nalang iban ko nga grades sa school pangdugang sa board rating ni nanay?”.

My nanay stopped on her 5th try— putting an end to her RN dream last 2006. She believed it wasn’t for her. It always cost her a lot. The review. The examination. And everything in between is so expensive. I can still remember how she waited for the published newspaper the following morning only to face endless frustrations. Another failure. I was nine years old and in fourth grade that time.

She stopped taking the examination for nurses but she never stopped acting like one. I’ve been taught to use a sphygmomanometer and a stethoscope since I was six. I knew systolic and diastolic since I was in grade school. Few years back, there was an emergency childbirth in our barangay. Legally speaking, home births are no longer allowed in the Philippines but my nanay can’t take seeing the woman in agony without helping her. She delivered the baby safely before help arrived.

Until recently, my nanay decided to take another shot. She believes that there’s no age limit for our dreams and aspirations so we supported her. My younger sister booked the earliest possible NLE date. She was quite hesitant at first because she thinks she needs more time but we told her that if she fails again this time, she could at least try again next time.

My nanay will soon be taking her oath as a registered nurse at the age of 55. It took her 30 looooooong years to get that RN after her name. It’s been long overdue, yes. It’s even older than me. She earned her bachelor’s degree in 1992 and qualified in 2022.

Never stop trying even if the Universe tells you otherwise. Do it for yourself and you’ll have no regrets. Finally, she’ll soon get rid of our sari-sari store and retire as a tindera.
Salamat Ginoo! Indi gid matakos ang amon nga kalipay sa bugay nimo.”

Netizen namangha nang anim na araw lamang tinapos ang Calamity Proof House na ito sa murang halaga

0
Netizen namangha nang anim na araw lamang tinapos ang Calamity Proof House na ito sa murang halaga

Kadalasan ngayon mahal ang magpagawa ng bahay hindi mo pa alam kung matibay ang pagkakagawa nito at kung ang mga materyales na ginamit dito ay akma sa itinatayong klase ng bahay. Higit sa lahat nakasalalay sa contractor ng bahay at ibang mga taong gumagawa nito ang tibay at pundasyon nito.

Larawan mula kay Jomar Rabajante | Facebook

Sa panahon ngayon kailangan natin ng mga bahay na matitibay na hindi kayang gibain ng bagyo, o hindi basta na lamang nasusunog at higit sa lahat yung tatagal sa lindol. Alam naman natin na ang sakunang pangkalikasan ay hindi mapipigilan o hindi natin kailanman malalaman kung kailan ito mangyayari. Ganun pa man mas mainam na ito ay mapaghandaan upang kung dumating man ito kahit papaano ay nakahanda ang ating tirahan.

Larawan mula kay Jomar Rabajante | Facebook

Kaya naman ang bahay na ito sa lalawigan ng Laguna ay naging viral kamakailan ng ito ay maitampok sa iba’t ibang program. Napabilib ang mga netizen dahil sa bilis ng pagkakagawa ng nasabing bahay na tinawag na La Casita de Rabajante. Anim na araw lamang ang tinagal ng pagkakagawa ng bahay at pede na agad itong matirhan.

Larawan mula kay Jomar Rabajante | Facebook

Kung ikinagulat ninyo kung bakit ganun kabilis, dahil ang bahay na ito ay gawa sa container van na nauuso ngayon o mas kilala sa tawag na prefab house kung saan halos yari ang materyales nito sa bakal. Ang La Casita de Rabajante na itinayo sa 250-square-meter lot na pagmamay-ari ng dating professor na si Jomar Rabajante, 37 anyos.

Larawan mula kay Jomar Rabajante | Facebook

Ayon kay Jomar prefabricated na bahay na ito typhoon-proof, fire-proof, at earthquake-proof. Prefab house ang tawag sa advanced na pagpapatayo ng bahay at ia-assemble na lang ito sa lokasyon ng pagtatayuan. Kung sa presyuhan naman ito ang tugon ni Jomar; “Itong main house na ito nabuo in six days, and the price apat kasi itong container vans ang dating… “So, lalabas na PHP180,000-PHP200,000 per van, so total ay PHP800,000.”

Larawan mula kay Jomar Rabajante | Facebook
Larawan mula kay Jomar Rabajante | Facebook

Naisipan ito nilang itayo dahil sa kagustuhan nilang may kapuntahan ang retirement benefits ng kanilang ama. Dahil na rin sa pandemya simula noong 2020 hindi masyadong makalabas kung saan-saan kaya naisipan ni Jomar maghanap ng paraan kung saan makakakita ng mabilisang pagtatayo ng bahay. Ngayon ang La Casita de Rabajante ay nagsisilbing bahay bakasyunan nilang mag-anak.

Labis ang pasasalamat ng isang mangingisda ng makahuli ito ng higanteng Lapu-lapu na tumitimbang ng 123 kilos

0
Labis ang pasasalamat ng isang mangingisda ng makahuli ito ng higanteng Lapu-lapu na tumitimbang ng 123 kilos

Para sa isang mangingisda biyayang maituturing ang makahuli sa bibihirang pagkakataon ng ganitong uri ng isda. Tunay nga na mayaman ang ating bansa sa yamang dagat kaya naman marami sa ating kababayan ay pangingisda ang pangunahing hanap-buhay. Maging ang ibang bansa nais sakupin ang ating teritoryong dagat dahil sila mismo ay makikinabang sa mga yaman na taglay ng ating karagatan.

Isang mangingisda mula sa Brooke’s Point, Palawan ang abot langit ang pasasalamat sa kanyang nakawil na lapu-lapu sa Pirates Island sa bayan ng Bataraza. Ang tinutukoy na mangingisda ay si Peter Beldeniza na hindi lamang ordinaryong lapu-lapu ang kanyang nahuli kung hindi masasabi itong higante dahil sa laki at bigat nito.

Kwento ni Peter “Mag-isa lang ako na naglaot, alas dos ng May 2. Pagdating ng gabi, nakahuli ako ng dugso.”
“Ang tagal, walang kumakagat sa pain ng kawil ko. Siguro walang isda kasi nabulabog niya [lapu-lapu].”

Bandang alas-diyes ng gabi ay naramdaman niyang may kumakain sa kanyang kawil. “Tulingan ang pain ko, mga kalahating kilo. Pag-arya ko ng kawil, itinali ko sa palatik, tapos umikot na ang nylon.”

larawan mula kay Peter Beldeniza | Facebook

Ang higanteng isda na pala ang kumagat sa kanyang kawil kaya naman agad niya itong tinalian sa panga at hinila na lamang papuntang pangpang. Marahil sa bigat ay hindi na kaya ni Peter maihahon sa bangka. Kaya naman ng makarating ito sa pangpang ang ilan sa mga kasamahang mangisngisda ang tumulong kay Peter.

Ang Lapu lapu na kanyang nahuli ay tumitimbang ng 123 kilos at naibenta ito ng labing-siyam na libo. Hindi lamang ito ang unang pagkakataon na nakahuli si Peter ng malaking isda, noong mga nakalipas na taon nakadali din siya ng isda na tumitimbang ng 40 kilos at naibenta naman niya ito ng apat na libong piso.

larawan mula kay Peter Beldeniza | Facebook

“Pag may ganitong biyaya po, malaki ang pasasalamat namin sa Panginoon. Doble ang blessing namin kasi katatapos lang ng anak naming mag-training sa Philippine Coast Guard, kaya medyo nagkautang din kami.
“Kaya ngayon na may panibagong blessing, magbabawas na kami ng mga utang namin.” – sambit pa ni Peter

Amang may kapansanan sa mga kamay, patuloy na nagsisikap ang isang ama na fishball vendor para maibigay ang pangangailangan ng kaniyang pamilya

0
Amang may kapansanan sa mga kamay, patuloy na nagsisikap ang isang ama na fishball vendor para maibigay ang pangangailangan ng kaniyang pamilya

Hindi man pabor kung minsan sa atin ang tadhana at maging agos ng kapalaran ay di patas tulad ng iba, ngunit ganun pa man may kasabihan na tayo ang guguhit sa anong kapalaran ang nais natin o gustuhin natin. Samahan natin ito ng pagsisikap at pagtyatyaga pasasaan ba makakamit din natin ang minimithi natin.

Kuhang larawan mula sa video ni Alvin Manalang | Facebook

Kadalasan marami ang sumusuko kapag nakaramdam ng hirap sa kanilang ginagawa, may ilan pa na kahit walang kapansanan ay masasabi nating batugan o walang ginagawa kung hindi magbabad sa higaan at maghintay na lamang kung ano darating sa kanya.

Kuhang larawan mula sa video ni Alvin Manalang | Facebook

Kaya naman ang isang kwento ng ama na tulad ni Tatay Noel Perez o mas kilala ng kanyang mga suki sa tawag na Mang Weng ay labis na hinangaan ng mga netizen. May kulang man sa kanyang mga katawan ay hindi ito nawalan ng pag-asa para ipagpatuloy ang pagsisikap para matustusan ang pangangailan ng kanyang pamilya. At dahil nga sa pagiging masipag at madiskarte ni Mang Weng umani ito ng papuri at magagandang komento mula sa maga netizen.

Kuhang larawan mula sa video ni Alvin Manalang | Facebook

Sa panayam sa kanya ng GMA Public Affairs ibinahagi ni Tatay Noel kung paano siya nawalan ng kamay. Ayon sa kanyang kwento taong 1983 ng maputol ang isa niyang kamay habang ang kabila naman nito baldado na dahil sa pagkakakuryente niya sa pinapasukan niyang construction site noon. Ngunit sa kabila ng kanyang sinapit nagdesisyon si Tatay Noel na ipagpatuloy ang laban ng buhay.

Kuhang larawan mula sa video ni Alvin Manalang | Facebook

Hindi niya alintana ang kakukalangan ng kanyang kamay bagkus naging daan ito para lalo siyang magpusrige sa buhay matustusan ang pangangailangan nilang pamilya sa araw-araw. Sa kabila ng kanyang sinapit napagtapos na ni Tatay Noel ang kanyang mga anak at nabibigay ang gamot para sa kanyang asawa. Dagdag pa niya “Nakapag-abroad nga po ‘yung anak ko pero mahina po ‘yung sahod. Kailangan ko pong magtrabaho ‘yung sa misis ko po kailangan pa ‘yung medication,”

Nakakainspire istorya itong ni Tatay Noel at sana marami sa atin ang mabigyan ng motibasyon sa laban ng buhay tulad ng ginagawa ni Tatay Noel.

Anak ng sidewalk vendor at tricycle driver, sa kabila ng hirap proud sa pagtatapos niya sa kolehiyo

0
Anak ng sidewalk vendor at tricycle driver, sa kabila ng hirap proud sa pagtatapos niya sa kolehiyo

Talaga nga naman hindi mo masabi ang kapalaran bigla na lang dumadating ng hindi mo inaasahan, kaya naman minsan hindi rin pwedeng maging dahilan ang kahirapan upang makapagtapos ng pag-aaral. Tulad ng iba na madalas mong maririnig dahil sa mahirap lamang sila kaya naman hindi nakapag-aral, maaring sa sobrang kahirapan na mas mahalagang kailangan unahin kasya makapag-aral at tuparin ang sariling pangarap.

Larawan mula kay Joshua Mahilum | Facebook

Maaari din naman hindi hadlang ang hirap sa buhay dahil kung ang iba ay kinaya ang labis na hirap ay nagawa pa rin nilang makatapos at makamit ang pinapangarap sa buhay. Marahil nasa tao na lamang ang tamang timpla at diskarte kung paano maging matagumpay. Ano man ang maging estado mo ay kayang gawan ng paraan habang tayo ay humihinga at gumigising pa sa umaga.

Larawan mula kay Joshua Mahilum | Facebook

Sabi nga sa isang kasabihan “Ang bawat gising ay blessings”, Kaya naman ang kwento ni Joshua Mahilum ay nagin daan upang maging inspirasyon siya ng nakakaraming kabataan na dumadaan din sa butas ng karayom ng buhay. Anak si Joshua ng isang tindera sa kalye at isang tricyle driver na kung ating titingnan napakahirap mapag-aral sa isang magandang paaralan ang kanilang magiging anak lalo’t pa sa hirap ng buhay ngayon at kursong may mataas na matrikula.

Larawan mula kay Joshua Mahilum | Facebook

Kaya naman ating basahin ang buong post ni Joshua Mahilum mula sa kanyang social media account;

“KITA MO NA ANG AKON MGA MEDALS MA, WALA KO NA BALA NASADYAHAN MA”
This is what I told Sir Erwin of SunStar Bacolod earlier during our FB live interview. You may be asking why I said that given the current “success” I experience now. But yes, I was able to say that.

To give you a little bit of a background about this, here’s another testimony of how I was healed by JESUS from my mental turmoil and how I was CALLED AND CHOSEN for His purpose.

Larawan mula kay Joshua Mahilum | Facebook

Since elementary, I have been an honor student; always present in every recognition rite; always the one with the medals and ribbons; always one of the front sitters.
I was the Salutatorian of the class when I finished at Vista Alegre-Granada Relocation Elementary School, First Honors (equivalent to Valedictorian) when I moved up from Junior High School at Luis Hervias National High School, and one of the Top 20 with High Honors when I graduated from Senior High School at Liceo De La Salle SHS.

Aside from being one of the front runners in academics, I was also one of the front runners in extra-curricular. I have been an officer of SSG, a campus journalist of Villabalita, Berdeng Parola, and The Spectrum, a tenor in Hervias Choir, a yearbook editor, and all other roles.
As of today, I was able to acquire more or less 30 medals, 2 trophies, and hundreds of certificates. All of those could have made me one of the happiest and most fulfilled people.
But, I never felt like one.

There came a time during my 2nd year in college (I was Managing Editor at The Spectrum) that when I look at the medals that were hanging on our wall, I felt empty. Why am I not “happy” or even just satisfied with all these achievements? Some just dream of them. I have more of them.

Larawan mula kay Joshua Mahilum | Facebook

There was even one time that I was able to verbalize it to my mother and sister. I told my mother, “Ma kita mo na mga medals ko ma, ma wala ko na bala na sadyahan sa ila ma”.
My situation in The Spectrum also “worsened” my internal struggles because, during that time, everyone was pushing me to be Editor-in-Chief (the highest position in the org), but deep down, I never wanted the position. Even before that, I felt like my life has been a machine—stuck in a mechanized cycle. It’s as if I just join these clubs and chase these awards just because it was already part of my system. I did not know why I’m doing them in the first place.

It came to a point when I would skip classes and quizzes just to stare at a ceiling in the former Spectrum Office and reflect.

Then I found the courage to go see a guidance counselor and asked for clarity. I was afraid of the fact that I may have been unknowingly suffering from depression. And yes, I was able to find some clarity after talking to a guidance counselor but something’s still lacking.
May 2021 came, this was during the hiring process for Editor-in-Chief, when I applied with a troubled mind. I took the long exam and while they deliberate on the results, I was able to gain some courage to finally say “no”. I backed out. But I told them that I am still open to other editorial positions. Weeks after, I was given the position of Newspaper Editor.
I was okay and things were okay during the first months but I know there is something wrong with me and how I think and feel. July 2021 came and I finally decided to resign. It was not working well for me anymore.

This is when I was able to reflect on my medals and how I felt empty, which culminated in me telling my mother and sister about it. But, after saying that, out of nowhere, I said, “Ma mangita ta bala simbahan liwat ma”.
Yes, you heard it right, I sought a church.

You know I grew up in a Christian family. We were going to a Baptist church but when I was in JHS, we gradually stopped going to church. I became busy with my studies and the rest is history. I was 8 years without no connection to God (Yes, I prayed but only when I needed something.). And now I am here, face to face with my mother seeking a church on a whim.
And so He heard my request, in November 2021, we were invited by Church of God Bacolod (It was my sister who was invited; she just brought me).
Finally, I had a church. Months went on and I was able to rekindle my connection with God until on July 2, we went to an Encounter God retreat, and there I finally felt how God released me from the shackles of the world.

During that night, I received Jesus Christ, baptized with the Holy Spirit, and baptized with water. I was ecstatic that night. No word could describe what I felt. I felt free like a dove. I just felt the embrace of Jesus. I was able to feel love. I was loved. I finally knew what love is. I loved. The words “Born Again” became real.
All of the internal struggles I had vanished instantly. I was healed from them. I even thought, if this is all it is (to be reunited with Jesus), I never would have gone through all those things that damaged me (although, of course, those experiences are necessary because I would never reach this point without them).

I found a new purpose in Him as a starting Worship Leader and a Multimedia and I find joy every time I lead the entire congregation to worship and prepare the lyrics for the line up. I found a new identity.

My identity now is and in CHRIST. And this now is my definition of “success”. A success that can never be taken away from me (Romans 8:31-39) more than education.
Because of this 360° turn in my life, I can fully embrace my awards and achievements with full acceptance now that I have someone to offer them to.
I guess all I’m saying is, nothing and no one in this world can and will ever fill your heart except Jesus. Only the creator of your heart can satisfy what He created. He will be the one to give you your “whys”. Without them, it would just feel like you are dragging yourself to do something.

Don’t attach your identity to temporary things like your awards, position, wealth, etc. Think of the question “Who are you without your awards and achievements?” If you can’t answer this, then maybe you need to establish your identity first. For me, I found it in Christ. You can find yours in Him, too. Maybe, you reading this is a sign that you need to come back to Him now.

Would you believe me when I say that I have just actually started “living” my life on July 2 last year? Yes, quite funny but yes. And I am living my best life now every single day.
If God did this for me, I know He can do it for you too. Maybe not in a way like mine but He definitely will. You’ll just be surprised how things turned out perfectly years after. Are you gonna answer His call and change your life?

Bagaman ganito ang buhay na pinagdaanan ni Joshua, maituturing pa rin itong isang biyaya na sa ngayon nagbibigay sa kanya ng ginhawa maging sa kanyang pamilya.

{via}

Inaalipustang Agta noon ngayon ay degree holder at nag-iisang Agta sa kanilang Tribu na nakapagtapos sa Kolehiyo

0
Inaalipustang Agta noon ngayon ay degree holder at nag-iisang Agta sa kanilang Tribu na nakapagtapos sa Kolehiyo

Bawat tao ay may masaklap na karanasan sa buhay, kung ang iba ay nakaranas ng karangyaan ang iba naman ay pasakit at kahirapan ang dinadanas. Ngunit ganun pa man ang buhay may paraan naman upang makaahon tayo sa hindi magandang sitwasyon ating kinasasadlakan sa kasalukuyan. Tiyaga, sipat at dalangin sa Panginoon ang magbibigay sa atin ng kaginhawaan sa takdang panahon.

Larawan ni Zeny Sibayan Cepeda
Larawan ni Zeny Sibayan Cepeda

Ang istorya ng isang katutubong agta na mula sa pag-aalipusta ng karamihan ngayon ay may ipapagmamalaki na sa kanyang kinagisnang komunidad. Si Zeny Sibayan Cepeda ay 30-anyos at tubong Cagayan mula sa komunidad ng katutubong agta sa Barangay Diora-Zinungan sa Santa Ana, Cagayan. Nakapagtapos si Zeny sa kursong Bachelor of Science in Secondary Education, Major in English, sa St. Anthony’s College Cagayan.

Larawan ni Zeny Sibayan Cepeda

Kwento ni Zeny bata pa lamang siya ay nakatanggap na siya ng iba’t ibang uri ng pang-aalispusta at pangungukya mula sa kanyang nakakasalamuhang tao partikular na sa mga kaklase niya. Nariyan ang spalagi siyang pinagtatawanan; “Araw-araw tinatawanan ako noon dahil butas-butas ang tsinelas ko.” “Papasok minsan malaki pa sa akin yung suot kong uniform kasi bigay lang sa akin dahil sa kagustuhan ko pong pumasok.”

Larawan ni Zeny Sibayan Cepeda

Mula elementarya nakaranas siya ng panunukso sa kanyang kamag-aral at nagpatuloy ito hanggan high school. Marahil kakaiba ang kanyang itsura sa ibang estudyante kaya ganoon na lamang ang labis na pambubully ng mga ito sa kanya. Hindi na nagpatuloy ng kolehiyo si Zeny hanggang sa isang araw sa tulong ng isang doktora.

Larawan ni Zeny Sibayan Cepeda

Nagkaroon ng outreach program sa kanilang komunidad at iyon programang iyon nakilala niya si Dr. Zsa Zsa Meneses na siyang naging daan upang makapasok muli siya sa kolehiyo. Tinulungan siya ng nasabing doktora na magkaroon ng iskolar sa isang magandang paaralan at kahit na nasa edad na 25 siya ng mga panahong iyon nagpatuloy siya sa kolehiyo.
Sambit pa ni Zeny; “Napakasaya ko dahil ang pangarap kong makapagtapos at maipakita sa aking tribu na kaya namin sumabay ay nagawa ko,”

Batid niya ang hirap na dadanasin at pag-aalinlangan na muling tuksuhin ngunit nagkamali siya ng akala. Simula ng pumasok siya sa St. Anthony’s College Cagayan hindi umano nakaranas si Zeny ng pambubully sa nasabing paaralan. “Ipinagmamalaki ko pong sabihin na never na po akong nakaranas ng pambu-bully dito sapagkat mababait ang mga mag-aaral dito, maging ang mga guro.” – dagdag pa nito.

Kaya naman labis ang pasasalamat ni Zeny sa mga taong tumulong sa kanya, malaki din ang pasasalamat niya sa Franciscan Apostolic Sisters na namamahala sa eskuwelahan at National Commission on Indigenous People sa pagpapaabot nito ng tulong pinansyal. Sa susunod na taon kukuha na si Zeny ng licensure examination para naman makatulong ito sa kanyang mga katribung agta.

error: Content is protected !!